Coleen Garcia, nagbabalak na sa bahay manganganak sa pamamagitan ng water birth

Coleen Garcia, nagbabalak na sa bahay manganganak sa pamamagitan ng water birth

- Napagpasyahan ng mag-asawang Coleen at Billy Crawford na manganganak na lamang ang aktres sa kanilang bahay

- Water birth ang napili nilang mag-asawa base na rin sa mga payo ng ilan sa kanilang mga kaibigan

- Ayon kay Coleen, napagpasyahan nilang huwag na pumunta sa ospital para maging ligtas sa panganib na maaring maidulot ng COVID-19 sa kanilang mag-ina

- Ibinahagi ito ni Coleen habang ginagawa ang kanyang maternity shoot kasama ang sikat na photographer na si BJ Pascual

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napagpasyahan nina Coleen at Billy Crawford na manatili na lamang sa kanilang bahay kahit pa sa araw ng panganganak ni Coleen.

Sa isang vlog ng sikat na photographer na si BJ Pascual, ibinahagi ng aktres ang ilang detalye ng kanyang nalalapit na panganganak.

Coleen Garcia, nagbabalak na sa bahay manganganak sa pamamagitan ng water birth

Billy Crawford (Photo by Tony Barson Archive/WireImage via Getty Images)
Source: Getty Images

Aniya, matapos niyang makatanggap ng mga tips at advice mula sa kanyang mga kaibigan na nanay na rin, napagpasyahan niyang sa bahay na lamang manganak dahil sa panganib na maaring maidulot ng COVID-19 sa kanilang mag-ina.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“It's such a unique time na kahit na anong advice ang hingin ko from different mommies, iba pa rin kasi ang time na 'to. Like right now, we're praying for a successful home birth. So, we're not gonna go to a hospital. Mahirap talaga!" ani Coleen.

Balak niyang manganak sa kanilang master's bedroom sa pamamagitan ng water birth.

“But that's my plan, to give a water birth here at home, sa master's bedroom. 'Di na talaga ako lumabas this whole quarantine season!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Coleen Garcia o Danielle Claudine Ortega Garcia-Crawford sa tunay na buhay ay isang aktres, host at model. Naging host siya ng noontime show na It's Showtime mula 2012 hanggang 2016 kung saan nakilala niya ang kanyang asawang si Billy Crawford.

Matatandaang isinapubliko nina Billy at Coleen ang tungkol sa pagbubuntis ng aktres nito lamang Mayo. Lalaki ang kanilang magiging anak ayon sa 'gender reveal' na idinaos online.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel