Ama, nagulat sa di inaasahang food delivery matapos humiram ng CP ang anak

Ama, nagulat sa di inaasahang food delivery matapos humiram ng CP ang anak

- Nagulat ang isang ama nang biglang may dumating di inaasahang food delivery

- Nalaman niyang ang kanya pa lang anak na humiram ng smartphone ang nakapag-place ng order

- Umabot sa mahigit ₱1,000 ang lahat ng na-order ng kanyang anak na inakala niyang naglalaro lang sa kanyang cellphone

- Natuwa ang ilang netizens at naisip na bantayang mabuti ang mga anak upang maiwasan ang ganitong pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ama, nagulat sa di inaasahang food delivery matapos humiram ng CP ang anak

Photo (from Angelito Respecia's Facebook)
Source: Facebook

Nagkaroon ng instant merianda ang pamilya ni Angelito Respecia nang biglang dumating sa kanilang tahanan ang Food Panda delivery.

Nalaman ng KAMI na di inaasahang nakapag-place ng order ang anak ni Angelito na noo'y nanghiram lamang ng kanyang smartphone.

Hindi akalain ng ama na makaka-order ang anak na inakala lamang niyang naglalaro sa kanyang cellphone.

Nang dumating ang mga pagkain, doon nila napagtantong gawa nga ito ng kanyang anak.

Umabot din sa ₱1,147.90 ang mga pagkaing na-order ng anak. Ang nakakatuwa pa rito, mapapansin sa order na nakagamit pa ito ng voucher at naka-discount pa sila ng nasa ₱190.

Makikita sa post ni Angelito na tila 'guilty' ang bata sa kanyang di inaasahang nagawa.

Natuwa ang mga netizens na nakakita ng naturang post kung saan mayroon na itong 28,0000 reactions at 19,000 shares.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagsilbing aral din umano ito sa kanila na bantayang maigi ang mga anak. Mamaya kasi, mas malaking halaga ng order ang magawa nito at mamroblema pa sila sa pambayad.

Kaigihan lamang sa nagawa ng anak ni Angelito na pagkain ang nabili nito na makakain ng kanilang pamilya.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patok ang delivery services ngayong panahon ng pandemya. Isa kasi ito sa mainam na paraan upang maiwasan ang paglabas ng mga tao.

Maging ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho ay minabuti na ring maging delivery riders dahil isa ito sa hanapbuhay na in-demand ngayong naka-community quarantine pa rin ang bansa.

Maging si Chin ng grupong MYMP ay isa na ring delivery rider ng sariling business ngayong wala silang gig dahil sa pandemya.

Maging ang ilang mga estudyante ay pinasok na rin ang pagiging delivery riders upang makatulong sa kanilang pamilya.

Subalit, nakalulungkot ding isipin na ilan sa kanila ay nagiging biktima pa ng panloloko ng ilang customers na nagkakansela ng kanilang orders.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel