Heart Evangelista, ibinida ang kanyang mga damit na nabili lamang sa ukay-ukay

Heart Evangelista, ibinida ang kanyang mga damit na nabili lamang sa ukay-ukay

- Ibinahagi ni Heart Evangelista ang kanyang naging karanasan na maglibot sa mga thrift shops at ukay-ukay stalls sa Sorsogon

- Aniya, na-miss niya ang Fashion Week kaya naisip niyang ibahagi ang ilan sa kanyang mga nabiling mga damit sa ukay-ukay

- Marami ang namangha sa kinalabasan ng mga damit na kanyang nabili sa murang halaga dahil nagmukha umano ang mga itong mamahaling damit

- Si Heart ay kasalukuyang nasa Sorsogon at patuloy na ibinabahagi ang kagandahan ng nasabing lugar kung saan nanunungkulan ang asawang si Chiz Escudero bilang gobernador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw at namangha sa panibagong YouTube video na ibinahagi ni Heart Evangelista kung saan ibinida niya ang mga nabiling mga ukay-ukay na damit mula sa mga inikutan niyang thrift shops at ukay-ukay stalls sa Sorsogon.

Makikita sa nasabing video kung paano kinilatis ng aktres ang mga damit na kanyang nakita sa mga tindahan na kanyang napuntahan.

Heart Evangelista, ibinida ang kanyang mga damit na nabili lamang sa ukay-ukay

Heart Evangelista (Photo by Claudio Lavenia/Getty Images )
Source: Getty Images

Matapos mamili, ibinahagi niya kung paano sila nag-disinfect ng mga damit na kanilang nabili.

Nagmistulang mamahalin ang mga damit nang isuot na ito ni Heart kasama ang ilan pang mga kasamahan niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa mga netizen ang humanga sa galing kumilatis ng aktres sa mga damit at kung paano niya dinala ang mga ito at nagmukhang mga branded na kasuotan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng kanyang YouTube viewers:

You slay everything.. i’m now enrolled at Fashion Institute of Phil, and you are one of our topic mostly every meeting, what we can learn from you is to be bold, be brave and be creative, you literally put up everything together. sobrang galing!
Imagine wearing a 20 peso outfit and still look so expensive and sleek af. I mean y'all this is definitely some sort of sorcery! haha!
She really is a fashionista. She was able to make the looks like they are from any designer clothes.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang nasa sinapupunan niya.

Matapos ang kanyang pagpapakita ng kagandahan ng Sorsogon kamakailan, naitanong sa kanya kung may balak umano itong pasukin ang politika.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagbahagi din siya ng mga libreng tablet upang makatulong sa mga batang walang pambili para gamitin sa mga online classes.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel