DJ Kara, nagbahagi ng nakakaiyak na tribute video para sa kaibigang si Lloyd Cadena

DJ Kara, nagbahagi ng nakakaiyak na tribute video para sa kaibigang si Lloyd Cadena

- Isang tribute video ang ibinahagi ni Gandang Kara para sa kaibigang si Lloyd Cadena sa kanyang YouTube account

- Isa si DJ Kara sa pinakamalalapit na kaibigan ng pumanaw na YouTube content creator

- Ayon sa DJ, hindi niya nilagyan ng ads ang nasabing video dahil ang gusto lamang niya ay maipakita ang pagpapahalaga niya sa kanilang friendship

- Sina Lloyd at Kara ay dating nagkasama bilang mga DJs ng Love Radio kung saan nakilala ang kanilang tambalang KarLoyd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa tribute video na ibinahagi ng DJ na si Gandang Kara sa kanyang YouTube account.

Nilinaw niyang hindi niya nilagyan ng ads ang kanyang video dahil ang gusto lamang niya ay maipakita ang pagpapahalaga niya sa kanilang friendship.

binunyag din ni Gandang Kara na si Lloyd ang nagbigay sa kanya ng bago niyang pangalan matapos siyang makilala bilang si Kara Karinyosa sa radio station na Love Radio kung saan sila nagkasama noon at nabuo ang kanilang pagkakaibigan.

Nagkaroon sila ng maraming tagapakinig at tagasuporta at nakilala ang kanilang tambalan sa tawag na "KarLoyd."

DJ Kara, nagbahagi ng nakakaiyak na tribute video para sa kaibigang si Lloyd Cadena

Klariz Laurelle Magboo/Instagram
Source: Instagram

"Ginawa ko po ang video na to sa pagmamahal ko sa aking kaibigan na si LLoyd Cadena. inipon ko lahat ng memories namin together bilang tribute sa kanya, kaya para sa mga magrereact lilinawin ko po na ang video na ito ay hindi monetized. (meaning walang ads o pera dito) dahil gusto ko lng itong gawin para sa kanya at sa pinapahalagahan kong friendship namin. Kung may ads man po na lalabas ay dahil sa song na ginamit ko na 'farewell'. Sa kanila po mapupunta yun hindi sa akin.," aniya.

Ibinahagi din ni Kara na si Lloyd ang nagbigay sa kanya ng kanyang unang laptop na kasalukuyan niyang ginagamit sa pag-eedit ng mga video na kanyang ibinabahagi sa kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang pangalan na Gandang Kara ay binigay ni Lloyd sakin, ganun din ang unang laptop na ginagamit ko sa pag eedit hanggang ngayon.Miss you te.."

Si Lloyd Cadena ay isa sa mga unang naging vloggers sa Pilipinas. Kamakailan ay nagdiwang siya ng ika-sampung taon sa YouTube. Mayroon siyang nasa 8 million subscribers mula sa pinagsama-samang bilang sa iba't ibang social media platforms.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Marami ang nagdalamahati sa kanyang pagpanaw kabilang na ang malapit na kaibigan niyang si Michelle Dy na isang beauty vlogger.

Maging ang international star na si Mariah Carey ay naghayag ng pakikiramay sa pamilya ni Lloyd. Isang masugid na tagahanga ni Mariah ang yumaong 26-anyos na vlogger.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel