COVID-19 recoveries sa bansa, umabot sa mahigit 23,000 ngayong araw

COVID-19 recoveries sa bansa, umabot sa mahigit 23,000 ngayong araw

- Malaking bilang ng recoveries na naman ang naitala ngayon, Setyembre 6

- Mahigit 23,000 ang mga naka-recover na siya ng bumuo sa bilang na 184,687

- 2,839 naman ang nadagdag na COVID cases na bumuo sa pinakahuling bilang na 237,365

- Nangunguna pa rin ang national capital region sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 recoveries, umabot sa mahigit 23,000 ngayong araw

COVID-19 (Photo from Pixabay)
Source: UGC

Muli na namang nagbigay pag-asa ang malaking bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Setyembre 6.

Nalaman ng KAMI na umabot sa 23,074 ang mga naitalang recoveries sa loob lang ng isang araw na siyang bumuo sa bilang na 184,687.

Ayon pa sa datos na inilabas ng Department of Health, 2,839 naman ang karagdagan sa mga nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw.

Mula pa rin sa National Capital Region ang malaking bilang ng kaso na 1,170. Sinundan ito ng Negros Occidental na may 195 new cases, Laguna na may karadagang 190, Cavite na 182 at Rizal na 154.

88% sa mga ito ay pawang mga mild cases habang 8% naman ang asymptomatic o hindi kinakitaan ng anumang sintomas ng virus.

1.4% naman sa mga ito ang may severe case at 2% naman ang kritikal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa pinakahuling tala ng DOH, umabot na sa 237,365 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa dami ng mga naka-recover, bumaba sa 48,803 ang active cases ng COVID-19 sa buong Pilipinas.

Samantala, 85 naman ang bilang ng mga pumanaw ayon sa report na inilabas ngayon kaya't umabot na sa 3,875 na kumpirmadong namatay sa COVID-19.

Ayon sa worldometers, nasa ika-22 pwesto pa rin ang Pilipinas sa may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos na mayroon nang mahigit 6.4 million cases ngunit 8 lamang ang nadagdag sa kanila ngayong araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng general community quarantine ang Metro Manila at ilang mga safety protocols ang patuloy pa ring sinusunod lalo na maraming establisyemento at kompanya ang pinayagang magbukas.

Bukod sa pagsusuot ng face mask, ipinatupad na rin ang pagsusuot ng face shield lalo na sa pampublikong sasakyan at matataong lugar.

Mariing ipinaalala rin ng DOH ang palagiang paghuhugas ng kamay o paggamit ng alcohol at ang pagdisinfect ng ating mga kabahayan upang makaiwasa sa pagkakaroon ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel