DNA test, naisagawa na upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaking sa Southern Leyte

DNA test, naisagawa na upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaking sa Southern Leyte

- Naisagawa na ang pagkuha ng specimen sa panganay na anak nina Jennifer at Nomer Emnace

- Ito ay upang matukoy kung talagang si Nomenr ang lalaking napadpad sa Southern Leyte

- Nakatakdang mapanood ang kwentong ito sa documentary program ng GMA na KJMS

- Lalong dumarami naman ang nakaabang sa magiging resulta ng DNA test sa dalawa na pinapaniwalaang mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naumpisahan na ang pagsasagawa ng DNA test sa panganay na anak nina Jennifer at Nomer Emnace. Nakuhanan na ng specimen si Norem Emnace upang matukoy na kung totoong ang kanyang nawawalang ama ay ang lalaking napadpad sa Southern Leyte.

Sa Facebook post ng Hapi Radio DYAG 1125Khz, makikita ang ilang litrato ng aktwal na pagkuha ng specimen kay Norem Emnace, 24 anyos at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Poblacion 2, Sagay City Negros Occidental.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa sa nasabing post, isinagwa ang swabbing ng mga Barangay Health Workers ng nasabing lugar sa pakikipagtulungan sa documentary show ng GMA-7 na Kapuso Mo, Jessica Sojo.

Sa isang post naman ni Jonas Palasabas Maco as Facebook, isang team ng psychologists ang nag volunteer upang i-assess ang kalagayan ng nasabing lalaki.

"Conducted Assessment and Interview to alledged missing and found in San Francisco, Southern Leyte. Our heartfelf gratitude to our Volunteer Psychologist Dr. Andres Gerong for joining our team with Mayor Fe Maruhom, MDRRMO Servando Cagigas Tio Jr., MHO Wayne Raymundo Sy, DSWD and PNP Chief."

Matatandaang nagsimula ang lahat nang ibahagi ng isang netizen ang litrato ng isang lalaking diumano'y napadpad sa kanilang lugar.

Sa kanyang kagustuhang matulungan ang lalaki na makabalik sa pamilya nito, ibinahagi ng Facebook user na si Liza Corporal ang litrato nito. Nakarating naman kay Nenen ang nasabing balita matapos ipasa ng kanyang kakilala ang litrato ng lalaki.

DNA test, naisagawa na upang matukoy ang pagkakakilanlan ng lalaking sa Southern Leyte

Liza Corporal/Facebook
Source: Facebook

Sa isang ulat ng Aksyon Radyo Iloilo sa panulat ni May Ortega, nasaksihan umano ni Corporal ang muling pag-uusap nina Nenen at ng lalaki.

Sa karagdagang mga litratong ibinahagi ni Jennifer, marami ang nakumbinsing malaki ang posibilidad na ito nga ang nawawala nitong asawa dahil s malaking pagkakahawig umano nila.

Naiulat din ng Radyo Bandera-Bacolod na apat na taon nang nananatili sa dalampasigan sa Quilat Kimy San Francisco, Southern Ĺeyte ang nasabing lalaki.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa kasalukuyan, hindi pa sigurado kung iyon nga ang kanyang asawa ngunit ayon na rin kay Nenen, hinihintay na lamang nilang lumabas ang resulta ng isinagawang DNA test. Nakatakdang mapanood ang kanilang kwento sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ngunit hindi pa nababanggit kung kailan ito ipalalabas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel