Ama ni Lloyd Cadena, napahagulgol matapos malaman ang pagpanaw ng anak

Ama ni Lloyd Cadena, napahagulgol matapos malaman ang pagpanaw ng anak

- Ibinahagi ng ama ni Lloyd Cadena ang kanyang saloobin sa biglaang pagkawala ng kanyang anak

- Hindi nito napigilang maiyak habang inaalala ang kanyang anak na ayon sa kanya ay ipinagmamalaki niya

- Sa kasamaang palad ay hindi ito makakauwi dahil kasalukuyang nasa proseso ang kanyang passport para sa renewal ng kanyang visa

- Hiniling niya rin sa publiko na sana ay igalang ang privacy ng kanilang pamilya sa pagluluksa sa pagkawala ni Lloyd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ng ama ni Lloyd Cadena sa isang video kung saan ibinahagi niya ang kanyang saloobin sa biglaang pagpanaw ng anak.

Sa kanyang YouTube account na Biakid360, ibinahagi ng ama ni Lloyd kung paano niya nalaman ang tungkol sa nakakalungkot na balita.

Maituturing niya umanong pinakamalungkot na araw ng kanyang buhay ang araw na pumanaw ang anak.

Alas 9:00 ng umaga umano nang tumawag ang anak niyang nasa Dubai. Nabigla siya nang sabihin nito na wala na nga si Lloyd.

Ama ni Lloyd Cadena, napahagulgol matapos malaman ang pagpanaw ng anak

Photo from Lloyd Cadena's Instagram account
Source: Instagram

Inilarawan niya bilang isang mabait na anak si Lloyd. Matagal na umano nitong sinasabi sa kanya na umuwi na siya ngunit hindi niya ito napagbigyan.

Inihingi niya ng patawad sa anak na hindi niya man lang ito nakita bago pa ito nawala. Ibinahagi rin niya na tinamaan siya ng COVID-19 noong Hunyo ngunit gumaling siya.

Emosyonal na inalala ng ama ang mga magagandang alaala niya kasama ang kanyang anak na si Lloyd.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hiling niya rin na sana ay igalang ang privacy ng kanilang pamilya sa pagluluksa sa pagkawala ni Lloyd.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa kanilang pamilya mula sa mga netizens, mga kapwa vloggers ni Lloyd maging mula sa artistang malapit sa kanya.

Si Lloyd Cadena ay isa sa mga unang naging vloggers sa Pilipinas. Kamakailan ay nagdiwang siya ng ika-sampung taon sa YouTube. Mayroon siyang nasa 8 million subscribers mula sa pinagsama-samang bilang sa iba't ibang social media platforms.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marami ang nagdalamahati sa kanyang pagpanaw kabilang na ang malapit na kaibigan niyang si Michelle Dy na isang beauty vlogger.

Maging ang international star na si Mariah Carey ay naghayag ng pakikiramay sa pamilya ni Lloyd. Isang masugid na tagahanga ni Mariah ang yumaong 26-anyos na vlogger.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel