Bugoy Cariño, sinupalpal ang mga bashers matapos niya aminin ang pagiging ama

Bugoy Cariño, sinupalpal ang mga bashers matapos niya aminin ang pagiging ama

- Hindi pinalampas ni Bugoy Cariño ang mga negatibong komento ng netizens sa kanya at sa kasintahan nitong si EJ Laure

- Ito ay matapos nilang isapubliko ang pagkakaroon nila ng anak na dati na rin nilang pinabulaanan

- Buong pagmamalaking ibinahagi ni Bugoy ang kanilang family picture at nagsabing magsisikap siya para sa pamilya niya

- Ibinahagi nila ang tungkol sa kanilang anak sa pagdiriwang ng ika-18 kaarawan ni Bugoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinupalpal ni dating Hashtags member na si Bugoy Cariño ang kanyang mga bashers hinggil sa kanyang pagiging batang ama. Ito ay matapos niyang isapubliko ang pagkakaroon ng anak sa volleyball star player na si EJ Laure.

Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi ni Bugoy ang isa sa mga meme na ngayon ay kumakalat sa social media.

Bugoy Cariño, sinupalpal ang mga bashers matapos niya aminin ang pagiging ama

Bugoy Cariño/Instagram
Source: Instagram

"Labyu bashers!!! Damihan nyo pa," ani Bugoy sa isang tweet.

Matatandaang umani ng samu't-saring reaksyon ang pag-amin na ito nina Bugoy at Ej. May mga umalma sa umano'y ginawang pagpatol ng volleyball player sa batang aktor na noon ay 15 taon pa lamang nang lumabas ang bali-balita tungkol sa pagbubuntis ni EJ.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Meron ding mga netizens na lalong humanga sa aktor dahil sa pagtanggap nito sa responsibilidad at pinanindigan ang pagiging batang ama.

Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi din siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Matatandaang nagsalita din si EJ tungkol sa lumabas na balita tungkol sa umano'y pagbubuntis niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi naman itinago nina Bugoy at EJ ang kanilang relasyon sa publiko sa kabila ng agwat ng kanilang edad. Sa katunayan, nag-viral ang isang video ng magkasintahan kung saan kinakantahan ni Bugoy si EJ.

POPULAR: Read more Philippine Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel