Lloyd Cadena, nagpahiwatig ng "paglisan" sa matalik na kaibigan

Lloyd Cadena, nagpahiwatig ng "paglisan" sa matalik na kaibigan

- Tila nagpahiwatig si Lloyd Cadena sa kanyang matalik na kaibigan na si Kimpoy Feliciano

- Sa isang social media post, ibinahagi ni Kimpoy ang naging usapan nila ni Lloyd bago ito pumanaw

- Sabi ni Lloyd ay nais niyang mag-aral sakaling "buhay" pa siya pagkatapos ng Coronavirus pandemic

- Nito lamang Biyernes nang gulatin ang publiko ng balitang pumanaw na nga si Lloyd na kinumpirma sa kanyang official Facebook page

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila nagpahiwatig nga ang yumaong vlogger na si Lloyd Cadena sa isa sa kanyang matalik na kaibigan na si Kimpoy Feliciano.

Lloyd Cadena, nagpahiwatig ng "paglisan" sa matalik na kaibigan

Photo from Kimpoy Feliciano Facebook page
Source: UGC

Sa isang social media post, ibinahagi ni Kimpoy ang naging usapan nila ni Lloyd bago ito pumanaw.

Dito nabanggit ni Lloyd na pangarap nitong maging dentista.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit ang pumukaw sa atensyon ng marami ay nang sabihin ni Lloyd na nais nitong mag-aral kung sakaling "buhay" pa raw siya pagkatapos ng ECQ at kung makakaligtas pa ito pagkatapos ng Coronavirus pandemic.

"Aral tayo!! Mag eenroll ako if ever na buhay pa ako after this ecq," sani ni Lloyd.

"Kaya kapag mabuhay pa ako after this corona. Mag dedentistry ako," dagdag pa nito.

Hinikayat din nito si Kimpoy na abutin ang pangarap nitong maging piloto dahil ayon sa yumaong vlogger ay "maiksi lang ang buhay".

Nito lang Biyernes, September 4, nang gulatin ang publiko ng balitang pumanaw na nga si Lloyd na kinumpirma sa kanyang official Facebook page.

Ikinagulat ito ng madla lalo na ng kanyang mga followers at mga tagahanga.

Maging ilang sikat na personalidad ay hindi naiwasang malungkot sa pagpanaw ng isa sa mga pioneer sa vlogging sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si Lloyd Cafe Cadena sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na vlogs.

Pumanaw ito sa edad na 26 ngunit wala pang kumpirmadong dahilan ng kanyang pagpanaw ang inilabas ng pamilya nito.

Bago ito pumanaw ay nagawa pa nitong mamahagi ng mga tablets para sa mga kabataang walang kakayahang makabili nito para sa distance learning.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel