Magkapatid na Matet at Ian de Leon, umalma sa mga bintang na pinabayaan nila ang ina

Magkapatid na Matet at Ian de Leon, umalma sa mga bintang na pinabayaan nila ang ina

- Inalmahan ng magkapatid na Matet at Ian de Leon ang mga negatibong komento ng ilang netizens sa kanilang magkakapatid

- Ito ay kaugnay sa kanilang umano'y pagpapabaya sa kanilang inang si Nora Aunor

- Pinasinungalingan nila ang mga alegasyong ibinabato sa kanilang magkakapatid

- Masakit para sa kanilang magkakapatid ang bintang ng mga tao na mga pabaya silang anak ni Nora

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ng magkapatid na Matet at Ian de Leon ang usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon sa kanilang inang si Nora Aunor. Hindi na bago ang isyu tungkol sa umano'y pagpapabaya nila sa kanilang ina.

Sa isang live stream ni Ian sa kanyang You Tube channel, nagsalita ang dalawa tungkol sa isyu.

Para kay Ian, walang makakasira sa pagmamahal nila sa kanilang ina.

“Unang-una, mahal na mahal namin ang mommy namin, walang makakadurog nu’n. Kung kami magkakasama, iba ‘yung samahan namin pag magkasama kami ni mommy… iba.”

Lumabas ang mga reaksiyon ng netizens kaugnay dito dahil hindi nagpo-post ang magkakapatid ng litrato kasama ang ina.

Magkapatid na Matet at Ian de Leon, umalma sa mga bintang na pinabayaan nila ang ina

Nora Aunor (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Source: Getty Images

"Sila ang kumukuha ng litrato?” ani Matet na tumutukoy sa mga nanghuhusga sa kanila dahil lamang sa kanilang social media posts.

“Oo nga, ‘yun nga. As in sobrang… Alam mo, sasalo ako ng bala para sa mommy namin," dugtong naman ni Ian.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Iginiit ni Ian na sobra-sobra ang pagmamahal at respeto nila sa kanilang ina.

Hinimok din ng aktres ang mga netizens na tigilan na ang pagkokomento sa social media posts ng kanyang ate Lotlot. Hindi daw katulad niya, hindi mahilig pumatol sa mga bashers ang kanyang ate.

Paliwananag niya, hindi mahilig magpapicture si Nora kasama sila kaya wala silang mai-post na picture kasama niya.

Ang nais lamang daw nila ay maging mapayapa at masaya ang kanilang pamilya.

Si Ian De Leon ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikulang Halimaw (1986), Takot ako, eh! (1987) atI Love You Mama, I Love You Papa (1986).

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Matet de Leon ay nagsimula sa pag-aartista sa murang edad. Siya ay adopted daughter nina Christopher de Leon at Nora Aunor.

Nakilala si Matet sa kanyang pagiging masayahin at prangkang ugali. Sa katunayan, hindi niya inaatrasan ang mga pumupuna sa kanyang panlabas na anyo kagaya na lamang sa kanyang noo.

Nabanggit niya rin ang dahilan kung bakit wala ang kanilang ina sa kasal ni Lotlot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel