Kuya Wil, agad na tinulungan ang caller na walang makain at lubog na sa utang

Kuya Wil, agad na tinulungan ang caller na walang makain at lubog na sa utang

- Agad na gumawa ng paraan si Willie Revillame para mapakain ang pamilya ng natawagan

- Panay ang iyak ng sanggol habang kausap ni Willie ang ina nitong hindi pa rin pala kumakain

- Nahihiya na raw sila sa kalapit na tindahan dahil baon na raw sila sa utang doon

- Kinausap mismo ni Willie ang may-ari ng tindahan at sinabing bigyan na muna ng pagkain ang mag-anak lalo ang sanggol at kinabukasan ay padadalhan na niya ito ng pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kuya Wil, agad na tinulungan ang caller na walang makain at lubog na sa utang

Willie Revillame (Photo from Instagram)
Source: Instagram

Nadurog ang puso ng "Tutok to Win it" host na si Willie Revillame sa kanyang natawagan mula sa Rosario Cavite.

Nalaman ng KAMI na pagsagot pa lang ng tinawagan ni "Kuya Wil", umiiyak na bata na agad ang bumungad dito.

Nang kanya itong usisain, wala pa lang gatas na mapaiinom sa sanggol at maging ang ina nito ay hindi pa nakakakain sa araw na iyon.

Kwento pa ng caller na si Anna, nasa labas ang kanyang mister na walang mahanap na hanapbuhay para maghanap ng mauutangan.

Hindi na rin daw sila makahirit pa sa kalapit na tindahan dahil nahihiya umano siya at marami na silang utang doon.

Dahil dito, mismong si Willie na ang kumausap sa may-ari ng tindahan para lang agad na mapakain sina Anna.

Nakausap nito ang anak ng may-ari at agad na pinabibigyan ng gatas ang anak ni Anna.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ipinakwenta na rin ni Kuya Wil ang utang ni Anna sa tindahan dahil babayaran daw niya lahat ito.

P5,000 ang ipadadala ni Willie sa tindahan para mabayaran ang mga nakuha ni Anna at ang tira ay pampuhunan na ng sari-sari store.

Samantala, P20,000 naman ang para sa pamilya ni Anna na labis na umantig sa puso ng host. Hindi niya sukat akalaing napakahirap ng kalagayan ng mga kababayan nating simot na simot na ang bulsa at wala na maski pangkain sa araw-araw.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami nang natulungan si "Kuya Wil" lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan tila isa siya sa mga inaasahan ng mga kababayan nating labis na naapektuhan ng krisis buhat ng pandemya.

Una niyang nabigyan ng biyaya ang mga kababayan nating jeepney driver na ilang buwan nang nawalan ng hanapbuhay mula nang sumailalim sa community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.

Nagbigay din siya ng 1,000 mga tablets para sa mga estudyanteng walang gadget para makasabay sa kanilang online classes sa papalapit nang pagbubukas ng klase sa Oktubre.

Kilala si Willie Revillame sa pagiging aktor, TV host, at recording artist sa bansa. Isa rin siya samay pinakamalaking kita sa showbiz kaya hindi nakapagtatakang nakapagbabahagi siya ng kanyang mga biyaya lalong-lalo na sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel