Lloyd Cadena, naisakatuparan ang mga pangarap para sa inang 20 taon nang OFW

Lloyd Cadena, naisakatuparan ang mga pangarap para sa inang 20 taon nang OFW

- Napauwi ng sikat na YouTube vlogger na si Lloyd Cadena ang ina na 20 taon nang OFW

- Nito lamang Enero ay nakauwi na ang ina sa Pilipinas at mula noon ay kasa-kasama na rin niya ito sa kanyang mga vlogs

- Nagkaroon na rin ng sariling channel ang ina ni Lloyd na nakilala bilang "Mother Kween"

- Bago pa man ang kanyang biglaang pagpanaw, naisakatuparan din niya ang pangarap para sa ina na magkaroon ng maganda at sariling bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lloyd Cadena, napauwi ang inang OFW dahil lamang sa kanyang pagiging vlogger

Mother Kween (Photo from Lloyd Cafe Cadena Facebook)
Source: Facebook

Sa pagpanaw ng kilalang YouTube vlogger na si Lloyd Cafe Cadena, isang ina ang labis na naghihinagpis sa biglaang pangyayaring ito.

Nalaman ng KAMI na nito lamang Enero ay napauwi na ni Lloyd ang ina na dalawang dekada nang naging overseas Filipino worker.

Minsan nang nabanggit ni Lloyd sa isa sa kanyang mga vlogs kung saan kasama niya ang ina na ito raw mismo ang nagtaguyod sa kanilang magkakapatid at tila kulang pa raw ang mamahaling bag na ibinigay niya sa naturang video.

Isa rin sa mga huling vlog ni Lloyd o kilala rin bilang "Kween LC," nabanggit niyang pinaghandaan niya talaga ang pagreretiro ng ina.

“Magre-retire na iyong nanay ko and I want her to experience na may sarili na kaming bahay,” pahayag ni Lloyd at naisakatuparan nga niya ito bago siya mamaalam sa mundo.

Mula nang makauwi ang ina sa Pilipinas, kasa-kasama na rin niya ito madalas sa kanyang mga video.

Nagkaroon na rin ito ng sarili niyang channel ang "Mother Kween Vlogs" kung saan umabot na rin sa mahigit 300,000 subscribers ang ina ni Lloyd.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kitang-kita sa mga videos kung saan magkasama silang mag-ina na tila sinusulit nito ang mga nalalabi na palang araw at oras ni Lloyd sa piling ng ina.

Bago pa ang nakakadurog ng puso niyang pamamaalam ay marami pa rin siyang natulungan lalo na sa panahon ng pandemya.

Ang pinakahuling pagtulong na kanyang nagawa ay nang mamahagi siya ng mga tablets sa mga mapapalad na eestudyante.

Dahil dito, marami ang nalungkot sa biglaan niyang pagpanaw na hindi pa nilalahad ang naging dahilan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa na rito ang kanyang malapit na kaibigan na isa ring vlogger na si Michelle Dy. Sa kanyang Instagram stories, hindi nito mapigilan ang labis na pag-iyak sa biglaang pagkamatay ng espesyal na kaibigan.

Maging ang kilalang international singer na si Mariah Carey ay nagpabatid ng pakikiramay sa pamilya ni Lloyd na isa sa mga fan niya dito sa Pilipinas.

Isa si Lloyd sa mga unang naging vloggers sa Pilipinas. Kamakailan ay nagdiwang siya ng ika-sampung taon sa YouTube.

Mayroon siyang nasa 8 million subscribers mula sa pinagsama-samang bilang sa iba't ibang social media platforms.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel