OFW sa Kuwait, ginawang long gown ang sandamakmak na resibo ng remittance

OFW sa Kuwait, ginawang long gown ang sandamakmak na resibo ng remittance

- Napagkatuwaan ng isang OFW sa Kuwait na gawing long gown ang mga resibo ng remittances niya sa Pilipinas

- Libangan lang daw niya ito lalo na at may pagkamasungit ang kanyang mga employer

- Ngunit dahil sa pinakitaan niya raw ito ng kabutihan ay tila umayos na ang pakikitungo ng mga ito sa kanya

- Marami na rin siyang nai-pundar sa kanyang pag-aabroad at susunod na niyang proyekto ay ang sariling bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW sa Kuwait, ginawang long gown ang sandamakmak na resibo ng remittance

Marry Ann Adriano (Source: supplied)
Source: UGC

Rumampa na animo'y isang model ang OFW sa Kuwait na Marry Ann Adriano suot ang gown na yari sa mga resibo ng remittance niya sa Pilipinas.

Naisipan niya itong gawin sa dami ng naipong resibo ng mga ipinadala niya sa bansa.

Sa loob ng pitong taon, marami na rin siyang nai-pundar at susunod na proyekto nga niya ang pagkakaroon ng sariling bahay.

"Resibo challenge" ang tinawag niya sa pagrampa niya suot ang mga resibo at alam niyang maraming OFW na tulad niya ang makaka-relate sa kanyang ginawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuang ng kwentong ibinahagi mismo ni Marry Ann sa KAMI:

"Ako po si Marry Ann Adriano, 36 years old, isang ofw sa Kuwait. 7 years na po ako dito, sa totoo lang, sa una napakahirap ng trabaho ko bilang domestic helper dito sa bansang Kuwait dahil first time ko pumasok bilang katulong. Pero para sa pamilya ko, nagtiis at nagtiyaga.

Sa una, masungit sakin ang mga employer ko. Pero dahil marunong ako makisama, sa awa ni God bumait sa kin mga employer ko.

Sa pitong taon ko dito, isang beses palang ako nakauwi, one month lang naging bakasyon ko dahil pinabalik agad ako ng aking employer.

Marami naman na akong nai-pundar na gamit sa totoo lang kumpleto na, bahay nalang wala. Sa ngayon may binabayaran akong lupa, at iyon ang pagtutulungan namin ng aking kapatid na OFW din na magpatayo ng bahay para sa pamilya. Mahirap ang work ko pero lagi kong nasa isip fight fight lang!

Ibig ko lang ipaalam sa aking mga kababayan na kahit anong trabaho 'wag kayong susuko at kahit katulong ako sa bansang Kuwait, di ko kinakahiya dahil bawat kuskus Ng kamay ko sa inodoro at paghugas ng tambak na hugasin na plato, marangal kong kinikita at malinis kong kinikita ang perang pinapadala ko sa aking pamilya.

Ipag pray niyo lang po kaming mga OFW na sana lagi kaming malusog at lahat ng may sakit na OFW ay sana gumaling na. Hanggang dito na lang po at maraming salamat."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Marry Ann, marami sa ating mga kababayan ang nagtitiis na mawalay sa mga mahal sa buhay sa kanilang pangingibang bansa.

Ang ilan, sinuswerte nang makapagpundar agad ng mga ari-arian, bahay at negosyo, habang ang ilan ay patuloy na nakikipagsapalaran mabigyan lang ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel