Pulis, humiling ng dasal sa napadaang pastora sa checkpoint

Pulis, humiling ng dasal sa napadaang pastora sa checkpoint

- Mabilis na nag-viral ang larawan ng isang pulis na nagpadasal sa isang pastora

- Naharang ang pastora na kasama ang kanyang anak ng pulis at hindi raw sila nagpapapasok ng hindi residente roon

- Nang magpaliwanag ang ina na hindi siya nagsisinungaling dahil siya ay isang pastora, pinatabi ang kanilang sasakyan

- Doon nagpadasal ang pulis, di lamang daw para sa kanyang sarili kundi para ikabubuti ng bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pulis, nagpadasal sa napadaang pastora sa checkpoint

Photo (from Ianne Venture Facebook)
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang larawan ng isang pulis na humingi ng dasal sa napadaang pastora.

Nalaman ng KAMI ang larawang ito ay post ng netizen na si Ianne Venture tungkol sa naging karanasan nila ng kanyang ina.

Kwento ni Ianne, naharang umano sila ng kanyang ina sa Marquee exit kung saan may bantay na pulis.

Hindi raw kasi roon nagpapapasok ng hindi residente ngunit nagpaliwanag ang ina ni Ianne na sa Marquee lang sila. Hindi rin daw niya maggawang magsinungaling gayung isa siyang pastora.

Nang malaman ito ng frontliner na pulis, ipinatabi ang sasakyan at maayos namang sumunod ang mag-ina.

Muling lumapit ang pulis at sinabing "Pastora papray naman po," at agad silang nagdasal.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento pa ni Ianne, hindi lamang daw pansarili ang dasal na hiniling ng pulis.

Labis na naantig ang puso ng mga netizens sa pangyayaring ito na nagpapakita lamang na kahanga-hanga ang katapangang ipinakikita ng mga frontliners sa araw- araw.

Ngunit, aminado silang minsan ay pinanghihinaaan na rin sila ng loob lalo pa at tila tumatagal ang pandemya at tumatagal na rin ang pagkakataong ibinubuwis nila ang kanilang buhay para lang sa kaligtasan ng iba.

At tulad ng ina ni Ianne, may ilan tayong mga kababayan na marunong na magpahalaga at magpasalamat sa munting paraang kaya nila sa mga frontliners natin sa laban ito kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gaya na lamang ng isang jeepney driver na nagsauli ng pamasahe nang mapansing isa pa lang nurse ang nagbayad nito. Ayon sa tsuper, maliit na bagay ito para naman makatulong sa mga frontliners na tulad ng kanyang pasahero.

Subalit, nakalulungkot pa ring isipin na karamihan pa rin sa mga frontliners na ito ay nakararanas pa rin ng diskriminasyon sa ibang tao o maging sa sariling ospital kung saan sila nagbibigay serbisyo.

Sa hindi mapigilang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, maisip sana natin ang ilang buwang pagsasakripisyo ng mga frontliners sa labang ito. Gawin natin ang ating parte upang tuluyan nang maging COVID-free ang ating mahal na bayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel