Video ng pag-uusap ni Jennifer Emnace at pinaniniwalaang nawawalang asawa niya, viral

Video ng pag-uusap ni Jennifer Emnace at pinaniniwalaang nawawalang asawa niya, viral

- Ibinahagi sa social media ang video ng pag-uusap nina Jennifer Emnace at pinaniniwalaang nawawalang asawa niya

- Makikita sa mga nasabing video ang pagkanta ng ginang habang nakikinig din ang lalaking kasalukuyang nasa Southern Leyte

- Pilit namang tinatanong ng ginang ang lalaki kung naalala niya ito ngunit tila hindi pa nito maalala ang lahat dahil sa kanyang kalagayan

- Inisa-isa ding binanggit ng ginang ang pangalan ng kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nag-aabang sa kwento ng mag-asawang Jennifer at Nomer Emnace matapos nitong mag vital kamakailan.

Kaya naman, agad na nag-viral ang video na ibinahagi ng Radio announcer na Hapi Radio DYAG 1125Khz na si Rod Florentino.

Makikita sa nasabing post ang pag-uusap nina Jennifer at ng lalaking napdpad sa Southern Leyte at pinaniniwalaang si Nomer. Si Nomer ang asawa ni Jennifer na sampung taon nang nawawala matapos lumubog ang barkong kanyang sinasakyan dahil sa isang bagyo.

Inisa-isang binanggit ni Jennifer ang mga pangalan ng mga anak niya upang kahit papaano ay mapaalala sa kanya ang mga ito.

Kinanta din ng ginang ang kanilang paboritong awitin na "I Swear."

Ayon sa caption ng post ng radio announcer, sumagot umano ang lalaki nang magsabi ng "I love you, Tay" si Jennifer.

Ito ang lalo pang nagpatibay sa paniniwalang ito nga ang nawawalang asawa niya.

Matatandaang nagsimula ang lahat nang ibahagi ng isang netizen ang litrato ng isang lalaking diumano'y napadpad sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa kanyang kagustuhang matulungan ang lalaki na makabalik sa pamilya nito, ibinahagi ng Facebook user na si Liza Corporal ang litrato nito. Nakarating naman kay Nenen ang nasabing balita matapos ipasa ng kanyang kakilala ang litrato ng lalaki.

Video ng pag-uusap ni Jennifer Emnace at pinaniniwalaang nawawalang asawa niya, viral

Liza Corporal/Facebook
Source: Facebook

Sa isang ulat ng Aksyon Radyo Iloilo sa panulat ni May Ortega, nasaksihan umano ni Corporal ang muling pag-uusap nina Nenen at ng lalaki.

Sa karagdagang mga litratong ibinahagi ni Jennifer, marami ang nakumbinsing malaki ang posibilidad na ito nga ang nawawala nitong asawa dahil s malaking pagkakahawig umano nila.

Naiulat din ng Radyo Bandera-Bacolod na apat na taon nang nananatili sa dalampasigan sa Quilat Kimy San Francisco, Southern Ĺeyte ang nasabing lalaki.

Sa kasalukuyan, hindi pa sigurado kung iyon nga ang kanyang asawa ngunit ayon na rin kay Nenen, hinihintay na lamang nilang lumabas ang resulta ng isinagawang DNA test. Nakatakdang mapanood ang kanilang kwento sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ngunit hindi pa nababanggit kung kailan ito ipalalabas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel