20-anyos na volunteer frontliner, nais bilhan ng laptop ang mga kapatid

20-anyos na volunteer frontliner, nais bilhan ng laptop ang mga kapatid

- Hinangaan ang isang ambulance crew member di lamang sa pagiging isang volunteer frontliner kundi sa pagiging isang mabuting kapatid

- Bukod sa buwis-buhay na pinasok niyang trabaho sa pagiging driver ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19, sinusuportahan pa niya ang kanyang mga kapatid sa kanilang pag-aaral

- Sinisikap niyang maghanapbuhay lalo na at nalalapit na ang pasukan at nais niyang mabilhan ng laptop ang mga kapatid

- Sa kabila ng peligro ng kanyang pinasok na trabaho, nananatili pa rin siyang positibo at determinado para sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

20-anyos na suma-sideline bilang frontliner, nais mabilhan ng laptop ang mga kapatid

Ryan Bonaobra (Photo from Ryan Andrei Bonaobra's Facebook)
Source: Facebook

Nakakabilib ang kabutihang puso ng volunteer frontliner na si Ryan Andrei Bonaobra.

Nalaman ng KAMI na isa siyang ambulance crew member na siyang sumusundo sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Sila ang naatasang maghatid sa mga COVID-19 patients sa ospital man o sa isolation facility ng kanilang lugar.

Lubha mang mapanganib ng kanyang trabaho, determinado pa rin ang 20-anyos na kuya na ito para sa kanyang mga kapatid.

Sa kanyang sahod na ₱4,000, balak niyang bilhan ng laptop ang mga kapatid para sa nalalapit nilang online classes.

Ito rin ang dahilan kung bakit nananatili siyang positibo sa kanyang hanapbuhay kahit pa sobrang delikado nito at anumang oras ay maari siyang mahawa ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa pagmamaneho, naka-suot din siya ng personal protective equipment kaya naman hindi biro ang tinitiis nilang init habang sumusundo at naghahatid ng mga pasyenteng may COVID-19. Tinitiis nila ito para na rin sa sarili nilang kaligtasan.

Mahirap man ang kanyang hanapbuhay lalo na ngayong panahon ng pandemya, nagpapasalamat pa rin si Ryan sa mga biyayang kanilang patuloy na tinatamasa.

Dahil sa kahanga-hangang kabutihan ni Ryan, naibahagi na rin ang kanyang kwento sa programang Reporter's Notebook ng GMA News.

Narito ang kabuuan ng video:

Tulad ni Ryan, sadyang di matatawaran ang maituturing na kabayanihan ng mga frontliners sa laban nating ito sa COVID-19.

Kaya naman, ang ilan sa ating mga kababayan ay nagbibigay pugay sa munting paraan na kanilang makakayanan para sa mga medical workers na ito.

Tulad na lamang ng isang jeepney driver na nagbalik ng pamasaheng ibinayad ng naging pasahero na nurse. Ito raw ang kanyang paraan para masuklian ang lahat ng sakripisyong ginagawa ng mga ito para sa atin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel