Mariah Carey, nalungkot sa pagpanaw ng kanyang fan na si Lloyd Cadena

Mariah Carey, nalungkot sa pagpanaw ng kanyang fan na si Lloyd Cadena

- Maging ang International singer na si Mariah Carey ay nalungkot sa biglaang pagkawala ng YouTube star na si Lloyd Cadena

- Sa pamamagitan ng Twitter, nagpaabot ng pakikiramay ang kilalang singer sa mga pamilya at kaibigang naiwan ni Lloyd

- Isa sa mga masusugid na tagahanga ni Mariah si Lloyd at miyembro rin siya ng fans club nitong Mariah Carey Philippines

- Pumanaw ang tinaguriang "Kween LC" nitong Setyembre 4 sa edad na 26

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mariah Carey, nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamtay ni Lloyd Cadena

Mariah Carey (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Isa ang international singer na si Mariah Carey sa nalungkot at nakisimpatya sa maagang pagkamatay ng YouTube Star na si Lloyd Cafe "Kween LC" Cadena kahapon, Setyembre 4.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga tagahanga ni Mariah si Lloyd at miyembro ito ng Mariah Carey Philippines.

Sa pamamagitan ng Twitter, nagpaabot ng mensahe ang kilalang singer ng pakikiramay sa pamilya at kaibigang naiwan ni Kween LC.

"So sad. RIP Lloyd, you will be missed. Sending my prayers to his family and friends during this difficult time," tweet ni Mariah.

Maging ang fans club ni Mariah Carey sa Pinas ay nalungkot din sa biglaang pagkawala ng isa sa kanilang miyembro.

Nilarawan din nila si Lloyd bilang "generous, kind, loving & humble human being."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Aminadong tagahanga talaga si Lloyd ng international singer na napasikat ng mga kantang "Hero", "One Sweet Day", "Always be my baby", "Through the rain" at "All I want for Chritmas is you."

Katunayan, ang isa sa mga huling retweet ni Lloyd bago siya pumanaw ay mula sa kanyang idolo.

Sa kanyang official Facebook page nakumpirmang pumanaw na ang YouTube vlogger na nagpasaya sa marami niyang tagasubaybay.

Hindi lamang nagpapatawa si Lloyd sa kanyang mga vlogs ngunit nagpapakita rin siya ng pagtulong sa kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Maging ang pamimigay ng mga tablets sa mga kabataang di makabili nito para sa kanilang online class ay nabigyan din ni Kween LC.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinakitaan din siya ng pagmamahal at suporta sa kanyang mga kaibigan lalo na sa mga kapwa niya vloggers tulad nina Michelle Dy na labis na nasaktan sa kanyang pagpanaw at ang isa sa kanyang mga schoolmates na si Macoy Dubs na sumisikat na rin ngayon sa mga videos niya bilang si "Aunt Julie".

Higit sa lahat, bago siya mamaalam sa mundo, tinupad niya ang pinapangarap ng pinakamamahal na ina na magkaroon ng magara at sariling tahanan.

Pumanaw si Lloyd ilang linggo matapos na mamaalam ng isa ring kilalang vlogger at kanyang kaibigan na si Emman Nimedez.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel