Kamag-anak na nag-abandona sa 76 anyos na lolang PWD sa ilalim ng tulay sa Maynila, arestado

Kamag-anak na nag-abandona sa 76 anyos na lolang PWD sa ilalim ng tulay sa Maynila, arestado

- Arestado ang tatlong katao ngayong Biyernes, ika-4 ng Setyembre kaugnay sa pag-abandona ng isang matandang babae sa ilalim ng McArthur Bridge

- Kabilang sa mga naaresto ay ang pamangkin ng matanda na umaming iniwan niya ang kanyang tiyahin

- Ayon sa kanya, tatlong linggo na naka-confine ang kanyang tiyahin sa isang pagamutan

- Matatandaang nag-viral ang post ng isang concerned citizen tungkol sa isang senior citizen na kamakailan ay inabandona sa ilalim ng McArthur Bridge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang tatlong suspek na sangkot sa pag-abandona ng isang senior citizen na PWD sa ilalim ng McArthur Bridge.

Sa isang Facebook post ng Manila Public Information Office, napag-alaman ng KAMI na kabilang sa tatlong naaresto ay ang mismong pamangkin ng matanda na kinilala sa pangalang Ephraim Tan Yap.

Ayon kay Yap, tatlong linggo ng naka-confine ang kanyang tita na si Mrs. Tan sa Metropolitan Medical Center. Ito ay napunta sa kanyang pangangalaga matapos mamatayan ng asawa.

Ayon kay Yap, kasama ang isa pang suspek na nagngangalang Mrs. Emerita Decilio, inihingi nila ng certification mula sa barangay na magpapatunay na inabandona na niya ang kanyang tiyahin upang matanggap umano ito sa Missionary of Charity.

Kamag-anak na nag-abandona sa 76 anyos na lolang PWD sa ilalim ng tulay sa Maynila, arestado

Photo from Manila Public Information Office/Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Mayroon na po akong certificate sa barangay na si Mrs. Tan ay abandoned kaya kailangan tanggapin ng Missionary of Charity kasi abandoned na. Pero wala pong tumanggap sa'min, kaya desperado na po ako. Aaminin ko po iniwan ko po," ani Mrs. Decilio.

Bukod sa dalawa, makakasuhan din ang driver ng tricycle na inarkila nila nang iwan ang matanda sa ilalim ng McArthur Bridge.

Matatandaang unang nag-viral ang picture ng senior citizen matapos ibahagi ng Facebook user na si Christian Enchaw na humihingi ng tulong para sa matanda.

"Urgent please patulong nmn contact ang Mdswd pa rescue ng matandang babae dito sa ilalim ng tulay ng MacArthur bridge sa gilid ng feati. Iniwan lang ng tricycle driver dito. Kawawa naman si nanay," ani Christian sa kanyang post.

Kasunod ng pag-viral nito, sinagip ng mga taga-barangay sa Maynila ang matanda ayon sa ulat ni Jun Veneracion ng 24 Oras.

Sa panahon ng pandemya, nakatutuwang isipin na may mga kwentong umuusbong at nagbibigay ng pag-asa upang tayo ay mabuhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Patunay lamang na sa magulong sitwasyon na hinaharap ng mundo ngayon, namumutawi pa rin ang pagmamalasakit, pagtutulungan at lalo na ang pagmamahal natin sa ating kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel