Lalaki, apat na oras kumain sa flight para lang hindi makapagsuot ng mask

Lalaki, apat na oras kumain sa flight para lang hindi makapagsuot ng mask

- Apat na oras na kumain ng isang tube ng 'Pringles' ang isang lalaki sa kanyang flight

- Ito raw umano ang naisip niyang paraan upang hindi makapagsuot ng face mask sa kanyang pagbibiyahe

- Tinatayang sa buong flight, nasa 10 minuto lamang siyang nakapagsuot ng mask

- Isa ang pagsusuot ng face mask sa mga safety protocol na dapat sundin bilang pag-iingat pa rin sa patuloy na lumalaganap na COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaki, apat na oras kumain sa flight para lang hindi makapagsuot ng mask

Face masks (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Isang lalaki sa UK ang nagawang magbiyahe ng halos hindi isinusuot ang kanyang face mask.

Nalaman ng KAMI na ito ay si Michael Richards ng Huddersfield, UK na sumakay ng eroplano para sa kanilang family vacation.

Sa ulat ng Lad Bible, hindi raw talaga komportable na magsuot ng mask ang lalaki kaya naman nakaisip ito ng paraan para makalusot.

Naisipan nitong kumain at uminom na siyang excuse upang tanggalin ang mask na nararapat na suot sa lahat ng oras lalo na at sila ay nasa loob ng eroplano.

Hindi lamang basta pagkain ang ginawa ni Michael, ayon sa Mirror, binilang pa niya ang laman ng isang tube ng "Pringles" at kinalkula kung ilang piraso ang dapat niyang makain sa loob ng oras na bubunuin niya sa kanyang flight.

Dahil dito, nagawa niyang patagalin ang kanyang pagkain sa loob ng apat na oras.

Photo (from Getty Images)

Photo (from Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Hindi raw akalain ni Michael na magiging viral ang kanyang ginawa lalo na at pinakita lamang niyang ang tanging pagkakataon na maaring matanggal ang mask sa pampublikong lugar ay kung ikaw ay kumakain o umiinom.

Ayon sa Standard, umani raw ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Ang ilan, tila nagkaroon ng ideya sa kung ano ang pwede nilang 'lusot' sa di pagsusuot ng mask sa matagal na oras. Ang ilan naman ay tila nagpasalamat na wala raw sila sa flight na iyon.

Nilinaw naman ng airlines na hindi sila nagkulang sa paalala bago pa man silang lumipad na nararapat lamang na naka-supt ng face mask maliban na lamang kung kumakain o umiinom.

Samantala, isa ang pagsusuot ng face mask sa mga safety protocol na ipinatupad upang makaiwas sa hawahan ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa Pilipinas, sinimulan na rin ang pagsusuot ng face shield bukod sa face mask noong Agosto 15 sa mga pampublikong lugar.

Ang ilan, gumawa pa ng mga improvised face shield para lamang makasunod sa pagsusuot nito.

Tulad ng ilang katutubo sa Mindoro na dala naman ng kasalatan sa buhay, gumawa ng face shield na yari sa bao para lamang may proteksyon din sila kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel