Anak, emosyonal sa huling tugtog ng ama sa keyboard bago ito ipalit sa isang sakong bigas

Anak, emosyonal sa huling tugtog ng ama sa keyboard bago ito ipalit sa isang sakong bigas

- Nakunan ng video ng isang netizen ang kanyang ama na tumutugtog ng keyboard sa huling pagkakataon

- Mahilig daw talaga sa musika ang kanyang ama ngunit dahil sa pandemya, napilitan silang ipagbili o i-barter ang mga instrumento nila

- Hindi lamang daw ang keyboard ang kanilang ipapalit dahil nangangailangan din siya ng ng cellphone para sa online class

- Pinangako naman niya sa kanyang ama na kung makatapos na siya sa pag-aaral at makapagtrabaho na, ibibili niya ito ng lahat ng musical instruments na nais nitong tugtugin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, emosyonal sa huling tugtog ng ama sa keyboard bago ito ipalit sa isang sakong bigas

Photo from Trexy Orlino Pajarillo's Facebook
Source: Facebook

Umantig sa puso ng mga netizens ang video ng isang lalaki na na tumutugtog ng keyboard sa huling pagkakataon.

Kwento ng anak nito na si Trexy Orlino Pajarillo na siyang ring kumuha ng video, tinugtog daw ng kanyang ama ang keyboard bago ito kunin ng customer.

Nalaman ng KAMI na nai-barter nila ito kapalit ang isang sakong bigas.

Sadyang sinubok din ng pandemya ang pamilya ni Trexy kaya naman kinakailangan nilang isakripisyo ang ilan sa mga mahahalaga nilang gamit para lamang may makain.

Ayon pa kay Trexy, masusundan pa ang pagba-barter nilang ito lalo na at nangangailangan siya ng cellphone para sa kanilang online class.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

“Nasasaktan akong panoorin siya na tugtugin 'yung keyboard namin for the last time kasi kukunin na ng customer," pahayag ni Trexy sa kanyang nakakadurog ng pusong post.

"Mahal na mahal kita papa, at kapag nakapagtapos ako, magtatrabaho ako hanggang sa mabili ko lahat ng instrumentong gusto mong itugtog," dagdag pa niya.

Mahirap man sa kanilang kalooban ngunit mas uunahin na nila sa panahon ngayon ang may makain sa tindi ng krisis na buhay ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa bansa, isa ang barter o pakikipagpalitan ng mga kagamitan o pagkain ang isang paraan ng mga Pinoy upang mairaos ang kani-kanilang buhay sa araw-araw.

Ang ilan, maging ang serbisyo ng paglalaba ang ipinapalit para lamang may maihandang pagkain para sa kanyang pamilya.

Ang iba naman, dala ng kasalatan, ultimo tanim na tanglad ay kanyang ipinapalit para lang may mailaman sa kumakalam nilang sikmura.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel