Lloyd Cadena, namahagi pa ng mga tablets sa kabataan bago pumanaw

Lloyd Cadena, namahagi pa ng mga tablets sa kabataan bago pumanaw

-Bago pumanaw ang sikat na YouTuber na si Lloyd Cadena ay nagawa pa nga nitong tumulong sa ilang estudyante

-Sa isang vlog na in-upload nito, makikita ang pamamahagi nito ng mga tablets para may magamit ang mga estudyante sa distance learning

-Kita naman ang ligaya sa mga bata at maging sa mga magulang ng mga ito sa natanggap na biyaya mula kay Lloyd

-Nagpasalamat din ang yumaong vlogger sa kanyang mga followers na dahilan daw para siya ay makatulong sa mga nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Bago pa man ginulat ang madla ng pagpanaw ng sikat na YouTuber na si Lloyd Cadena, nagawa pa nitong tumulong sa ilang kabataan,

Sa isang vlog na in-upload nito noong August 31 sa kanyang official Facebook account, mapapanood ang personal na pamamahagi nito ng mga tablets sa mga karapat-dapat na estudyante.

Lloyd Cadena, namahagi pa ng mga tablets sa kabataan bago pumanaw

Lloyd Cadena (Screen grab from Facebook)
Source: Facebook

Tulong ito ni Lloyd upang may magamit ang mga ito para sa distance learning ngayong taon dulot pa rin ng COVID-19 pandemic.

Kita naman ang ligaya at galak sa mga maswerteng nabigyan nito ng tablets, at maging ang mga magulang nito ay nagpasalamat din sa tulong ni Lloyd.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Karamihan sa mga tinulungan ni Lloyd ay mula sa mga mahihirap na pamilya na walang kakayahang makabili ng gadgets para sa online class.

Nagpasalamat naman si Lloyd sa kanyang mga followers o "Cadenators" dahil ito raw ang dahilan kung bakit niya nagagawang tumulong sa mga nangangailangan.

Hindi rin ito ang unang beses na nagbahagi si Lloyd ng tulong para sa marami. Namahagi rin ito ng tulong sa kanilang lugar nang maapektuhan ang marami rito ng pandemic at nawalan ng pagkakakitaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong araw, Setyembre 4, kinumpirma sa kanyang official Facebook account ang pagkamatay ni Lloyd.

Nakilala si Lloyd sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na vlogs.

Pumanaw ito sa edad na 26 ngunit wala pang kumpirmadong dahilan ng kanyang pagpanaw ang inilabas ng pamilya nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel