OFW na umuwi ng Pinas, emosyonal nang hindi na makilala ng sariling ina

OFW na umuwi ng Pinas, emosyonal nang hindi na makilala ng sariling ina

- Nakunan ng video ang nakakaiyak na tagpo ng isang OFW na umuwi para sa inang may karamdaman

- Dahil sa karamdaman, hindi agad nakilala ng ina ang bunsong anak na mula sa Taiwan

- Sinikap talaga nitong makauwi dahil sa pandemya para sa inang lumalala na ang kalagayan

- Mapapansing kahit tila naguguluhan ang ina sa mga pangyayari, patuloy pa rin siya sa pagyakap sa anak na hindi niya halos makilala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

OFW na umuwi ng Pinas, emosyonal nang hindi na makilala ng sariling ina

Si Gemmalyn at kanyang ina (Source: supplied)
Source: UGC

Isang overseas Filipino worker sa Taiwan ang nagdesisyon na umuwi na ng bansa para maalagaan ang inang nagkaroon ng karamdaman.

Ayon sa kapatid nito na siyang nagpadala ng kwento sa KAMI, hindi na raw agad na nakilala ng kanilang ina ang OFW na si Gemmalyn Comiso dahil sa sakit nitong 'dementia.'

Ang dementia ay isang kondisyon kung saan nakakalimot na ang isang taong meron nito sa mga bagay-bagay maging ang kanyang mga nakagawian na.

Dahil dito, nagdesisyon si Gemmalyn na umuwi na ng Pilipinas upang maalagaan ang inang lumalala na ang kalagayan.

"9 years siyang caregiver sa Taiwan. Every 3 years lang siya umuuwi. Mama used to be jolly and a loving mother to us. 2016 nagkasakit siya, naka-recover naman but the bad news is, nagkaroon siya ng dementia. My sister decided to go home 3 weeks ago kahit na may covid pa to take care of mama dahil nagiging worst na ang case niya," pahayag ng kapatid ni Gemmalyn.

Nakunan din ng video ang emosyonal na tagpo ni Gemmalyn o si "Nene" para sa kanyang ina.

Bunso kasi si Gemmalyn kaya naman ito raw ang tawag sa kanya noon ng kanyang ina.

Sa video, mapapnsing tila balisa ang ina ni Gemmalyn nang siya ay dumating.

Nang magpakilala na siya, mas lalo itong naguluhan at panay lamang ang titig sa kanya.

"Si Nene yung nasa Taiwan, ako yun Ma... andito na ako Ma," ang naluluhang pagpapakilala ni Gemmalyn sa ina.

Kahit tila hindi pa rin malinaw sa kanya ang lahat, panay pa rin ang yakap ng ina sa anak.

"Di na po ako aalis, dito na ako, magkakasama na tayo," ang sabi pa ni Gemmalyn sa ina na mababakas pa rin naman ang kasiyahan sa pagbabalik ng anak.

Nang tanungin ni Gemmalyn kung na-miss ba siya ng kanyang ina, sumagot naman ito ng "oo."

Narito ang ilan pa sa mga saloobin ni Gemmalyn sa tagpo nilang ito ng kanyang ina.

"The mom I knew all my life is not there anymore. Pero yung pagiging mapagmahal, maalalahanin, generous at friendly, 'di pa rin nawawala."

"Napakaaga, ito pa naman yung time na ready na kami suklian yung lahat ng sakripisyo mo sa amin."

"Yung mga dreams natin, unti-unti na natin nabubuo."

Sa kabila ng sinapit ng ina ni Gemmalyn, ang mahalaga, magkasama na sila muli nito.

Kung sa ibang bansa nagagawa niyang alagaan ang ibang tao, ngayon naman, mismong ang sariling ina ang kanyang pakikitaan ng pag-aaruga at pagmamahal.

Matinding sakripisyo talaga ang ginagawa ng mga kababayan nating OFW dahil sa pag-iwan pa lamang nila sa kanolang mga mahal sa buhay ay sadyang napakasakit na.

Masuwerte pa kung tutuusin si Gemmalyn na kahit bahagya na siyang nakakalimutan ng ina ay nabalikan pa rin niya ito upang maalagaan.

Ang ilan kasi, nawalan na nga ng mahal sa buhay, hindi pa basta makauwi dahil sa pandemya at sa takot na mawalan na sila ng trabahong mababalikan.

Mayroon din namang pinalad na nabigyan ng pagkakataon maisama na rin sa ibang bansa ang kanilang pamilya habang sila ay naghahanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel