Tim Sawyer, inamin na ang tungkol sa kanyang anak sa Mindanao

Tim Sawyer, inamin na ang tungkol sa kanyang anak sa Mindanao

- Hindi na itinanggi ni Tim Sawyer ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa Mindanao

- Ito ay matapos lumutang ang isang babae na umano'y ina ng anak ni Tim sa gitna ng isyung kinakaharap ng vlogger sa kinakasama nitong si China Roces

- Ayon kay Tim, hindi niya nabanggit sa publiko ang tungkol dito dahil na rin aminado siya sa kanyang pagkukulang bilang ama nito

- Nakiusap din ito na huwag nang idamay pa ang bata sa kontrobersyang hinaharap nila ni China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng mainit na isyu na kinakaharap ng vlogger na si Tim Sawyer, inamin na nito ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa Mindanao.

Ito ay matapos lumutang ang isang babae na umano'y ina ng anak ni Tim.

Tim Sawyer, inamin na ang tungkol sa kanyang anak sa Mindanao

Photo from Tim Sawyer Facebook account
Source: Facebook

Ayon kay Tim, hindi niya nabanggit sa publiko ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa probinsiya dahil aminado raw ito sa pagkukulang sa bata bilang ama.

Nilinaw din nito na alam ni China at ng kanyang pamilya ang tungkol sa anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"HINDI KO TINATANGI NA MAY ANAK AKO SA MINDANAO..ALAM NG PAMILYA AT KAIBIGAN KO YAN..KAHIT SI CHINA ALAM NYA ANG ISSUE KO NONG KABATAAN KO," anito.

Kwento ni Tim, 17-anyos siya nang magkaroon ng relasyon sa isang babaeng mayroon nang ibang kinakasama.

Tinanggap daw niya ang bata ng sabihin ng babae na siya ang ama nito ngunit mas pinili raw ng babae ang kinakasama nito dahil sa pera.

"ALAM MO PINAGLABAN KO YAN..PERO PINILI MO YUNG LALAKI KAYSA SAKIN KASI MAPERA...E AKO BATA PAKO DIBA," sabi nito.

Kinuwestyon din ng vlogger ang timing ng paglantad ng dating karelasyon at pagbunyag ng tungkol sa kanilang anak.

Nakiusap din si Tim na huwag nang idamay pa ang bata sa kontrobersyang hinaharap niya at ni China.

Handa rin daw si Tim sakaling pumayag ang dating karelasyon na mapunta sa kanya ang bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Kamakailan lang ay isang CCTV footage ang inilabas ni Tim kung saan makikita umano ang pananakot sa kanya ni China.

Pero ayon kay China ay sinet up lamang siya ni Tim upang magmukhang masama sa tingin ng publiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel