Misis na naghahanap sa nawawalang asawa, muling nagbahagi ng mga litrato ng kanyang mister

Misis na naghahanap sa nawawalang asawa, muling nagbahagi ng mga litrato ng kanyang mister

- Muling nagbahagi ng mga litrato ng nawawalang asawa niya ang ginang na si Jennifer “Nenen” Emnace

- Sa kanyang mga ibinahaging litrato, itinabi niya ito sa mga litrato ng lalaking napadpad sa Southern Leyte na nag-viral kamakailan

- Marami sa mga netizens ang lalong nakumbinsing malaki ang posibilidad na ang lalaking iyon nga ang hinahanap na asawa ni Emnace

- Sampung taon na ang nakalipas nang mawala ang kanyang asawa matapos lumubog ang barkong sinasakyan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalong dumami ang mga netizens na naniniwalang ang lalaking nag-viral kamakailan na napadpad sa Southern Leyte ay ang nawawalang asawa ni Jennifer “Nenen” Emnace .

Ito ay matapos muling magbahagi ng mga karagdagang mga litrato ang ginang sa kanyang Facebook account.

Marami ang nakapansin sa pagkakahawig umano ng lalaki sa asawa ni Nenen na si Nomer “Nonoy” Emnace.

Sa kasalukuyan, hindi pa sigurado kung iyon nga ang kanyang asawa ngunit ayon na rin kay Nenen, hinihintay na lamang nilang lumabas ang resulta ng isinagawang DNA test.

Nakatakdang mapanood ang kanilang kwento sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ngunit hindi pa nababanggit kung kailan ito ipalalabas.

Matatandaang nagsimula ang lahat nang ibahagi ng isang netizen ang litrato ng isang lalaking diumano'y napadpad sa kanilang lugar.

Misis na naghahanap sa nawawalang asawa, muling nagbahagi ng mga litrato ng kanyang mister

Photo from Liza Corporal/ Facebook
Source: Facebook

Sa kanyang kagustuhang matulungan ang lalaki na makabalik sa pamilya nito, ibinahagi ng Facebook user na si Liza Corporal ang litrato nito.

Nakarating naman kay Nenen ang nasabing balita matapos ipasa ng kanyang kakilala ang litrato ng lalaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kumbinsido si Nenen na ang nasabing lalaki ay ang asawa niyang sampung taon nang nawawala matapos lumubog ang sinakyan nitong barko.

Tumugma din umano ang ilang palatandaan ayon kay Nenen.

Sa kasalukuyan, marami ang nakaabang sa kahihinatnan ng kanilang kwento na talaga nga namang umantig sa maraming netizens.

Sa kabila ng hirap ng buhay, marami pa rin sa mga Pinoy ang mas pinipiling tumulong lalo na sa mga nangangailangan kagaya na lamang ng mga taong walang tirahan at palaboy sa lansangan.

Noong August 18 nang mag-viral ang mga larawan ni nurse Lorraine habang tinutulungan ang palaboy na nanganak sa isang gilid ng kalsada. Marami ang humanga rito at mabilis na kumalat sa iba't ibang local news site.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napag-alaman din na late na pala noon ng isang oras ang nurse sa kanyang trabaho at tila itinadhana na siya ay mapadaan sa lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel