Raffy Tulfo, humanga raw sa pagiging gentleman ni Tim Sawyer

Raffy Tulfo, humanga raw sa pagiging gentleman ni Tim Sawyer

- Sa programa na nga ni Raffy Tulfo humantong ang sigalot sa pagitan ng couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces

- Matapos naman marinig ni idol Raffy Tulfo ang panig ng dalawa ay nagbigay ito ng sariling opinyon ukol dito

- Ayon kay Tulfo, mukhang may pag-asa pa na maayos ang dalawa

- Dagdag pa nito, tila mahal pa rin daw ng dalawa ang isa't isa base sa kanyang obserbasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa programa na nga ni Raffy Tulfo humantong ang sigalot sa pagitan ng couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces.

Idinulog na kasi ni China ang kanyang reklamo laban sa kinakasama na si Tim.

Raffy Tulfo, may opinyon ukol sa gulo nina Tim Sawyer at China Roces

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Nais na ni China na makuha ang kalahati ng perang kinita nila mula sa kanilang mga videos.

Sa naturang episode ng Raffy Tulfo in Action, nagkausap ang dalawa ay naglabas ng kanya-kanyang panig.

Itinanggi ni Tim ang mga paratang sa kanya ni China katulad ng kanyang pagdadamot sa pera.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ngunit iginiit ni China ang pangta-traydor umano sa kanya ng lalaki. Anito, bumili ng bahay at sasakyan si Tim nang 'di niya nalalaman.

Matapos namang marinig ni Raffy Tulfo ang panig ng bawat isa ay nagbigay ito ng sariling opinyon ukol sa isyu.

Para kay idol Raffy, mukhang may pag-asa pang magkabalikan ang dalawa.

Anito, tila hindi lang maka-move on si China mula sa mga masalimuot na nagyari sa kanilang dalawa ni Tim at sa tingin ni idol ay mahal pa rin nito ang lalaki.

Nararapat lang din naman daw na makuha ni China ang kalahati ng kinikita nila ni Tim mula sa kanilang mga vlogs.

Tingin din ni idol ay mukhang mahal pa rin ni Tim si China dahil nanatili itong sweet sa babae.

Humanga rin daw siya dahil nagpaka-gentleman ang lalaki sa kabila ng ipinakitang galit ni China rito.

Bagamat hindi pa rin nagkasundo ang dalawa sa programa, nangako naman si Tulfo na tutulungan ang dalawa na makahingi ng legal advice.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Kamakailan lang ay isang CCTV footage ang inilabas ni Tim kung saan makikita umano ang pananakot sa kanya ni China.

Pero ayon kay China ay sinet up lamang siya ni Tim upang magmukhang masama sa tingin ng publiko.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel