Pinay OFW, sinuwerte sa among suportado ang kanyang buong pamilya

Pinay OFW, sinuwerte sa among suportado ang kanyang buong pamilya

- Sinuwerte ang OFW na si Cherry Mondido Cortez dahil natapat siya sa isang mabuting amo

- Halos isang taon pa lang siya sa UAE, nadala niya ang kanyang pamilya sa tulong din ng kanyang amo

- Paaralin na rin daw ng employer ang kanyang panganay na anak at maging ang kanyang pagbubuntis ay suportado rin

- Hindi rin sila gaanong nahirapan ngayong pandemya dahil hindi sila pinabayaan ng kanilang pinapasukan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinay OFW, laking pasalamat sa mabait na among sumusuporta sa kanyang pamilya

Cherry Cortez (Source: supplied)
Source: UGC

Masuwerteng maituturing ang overseas Filipino worker sa United Arab Emirates na si Cherry Mondido Cortez dahil natapat siya sa mabait na napakamatulungin na amo.

Ipinagmamalaki niya sa KAMI ang dami ng naitulong ng amo niya sa kanya at sa kanyang pamilya.

Halos isang taon pa lamang si Cherry na naninilbihan sa amo ngunit mabilis na niya itong nakagaanan ng loob.

Katunayan, nadala na rin niya ang kanyang buong pamilya sa UAE sa tulong pa rin ng kanyang amo.

Sagot na rin ng mabait na employer ang pagpapaaral sa Grade 9 student na panganay ni Cherry.

Ang kanyang mister naman ang driver ng amo kaya naman magkasama pa rin sila sa trabaho.

Pinay OFW, laking pasalamat sa mabait na among sumusuporta sa kanyang pamilya

Si Cherry at kanyang mister (source: supplied)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

At ngayong nagdadalang tao siya, suportado pa rin ng kanyang amo ang lahat ng gastusin para sa baby na nasa kanyang sinapupunan.

"Wala kasi ako maternity insurance pero sagot niya lahat ng gastos sa panganganak ko, idagdag ko pa vitamins kada check-up, di niya talaga ko pinababayaan," pahayag ni Cherry.

Halos hindi rin daw nila naramdaman ang pahirap ng pandemya dahil sa suportang ibinibigay sa kanila ng matulunging amo.

"Ok naman po kami dito wala naman na experience na mahirap, hehehe libre kasi lahat ma'am," kwento ni Cherry.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng mga hindi magandang balitang nababalitaan natin sa mga kababayan natin sa ibang bansa, mayroon pa rin talagang pinapalad na makahanap ng among itinuturing na silang parang pamilya.

Ang ilan, mabilis ding nakapagpupundar ng kanilang mga ari-arian kaya naman maayos na rin ang pamumuhay ng mga naiwan nilang pamilya sa Pilipinas.

Tulad ni Cherry, napunta rin sila sa among matulungin at may malasakit sa kanila.

Sinamahan pa nila ito ng matinding pagsasakripisyo at pag-iipon upang may patunguhan ang kanilang pinaghihirapan.

Ang iba naman, sa kabila ng hirap na dinaranas, hindi pa rin nakakalimutan ang maging positibo sa buhay at patuloy pang tumutulong sa kapwa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel