Raffy Tulfo, tila naguluhan sa reklamo ni China Roces laban kay Tim Sawyer

Raffy Tulfo, tila naguluhan sa reklamo ni China Roces laban kay Tim Sawyer

- Umabot na sa programa ni Raffy Tulfo ang isyu ng vlogger couple na sina China Roces at Tim Sawyer

- Maging si Tim na inirereklamo ni China ay nagpaunlak na makapanayam ni Tulfo

- Pilit na nilinaw ng host ang nais ng nagrereklamo na tila paiba-iba at nadaragdagan ang mga ibinabatong pagkakamali raw ng dating live-in partner

- Hindi man niya ito nakumbinsing magkaayos, ngunit tutulong si Tulfo na maidaan na sa legal na paraan ang kahilingan ni China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, tila naguluhan sa reklamo ni China Roces laban kay Tim Sawyer

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Humantong na sa pagdulog sa programa ni Raffy Tulfo ang isyu ng vlogger couple na sina China Roces at Tim Sawyer.

Nalaman ng KAMI na inireklamo na ni China ang dating live-in partner na si Tim Sawyer sa programa ni Tulfo upang masolusyunan na ang pinoproblema nila.

Sa umpisa ng video, idinetalye ni China ang pinagmulan ng gulo nila Tim na nagbago na raw ng ugali.

Dumagdag pa sa pagbabago ang sinasabing malaking kita nito na tila itinatago raw nito sa kanya.

Matatandaang sa mismong viral na Facebook live video ng dalawa, nabanggit na ni China kung paano niya nahuli kung gaano kalaki ang kinita ni Tim sa YouTube na hindi raw nito ipinaalam sa kanya.

Unang nabanggit ni China kay Tulfo na ang nais niya ay ang P100,000 na hinihingi mula kay Tim gayung milyon-milyon na umano ang kinikita raw nito sa Facebook.

Nilinaw naman ito ni Tim at sinabing naibigay naman na raw niya ito kay China.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, sinabi ni China na dapat maghati sila sa mga kinita ng vlog kung saan magkasama sila dahil siya rin daw ang nakaisip ng konsepto ng mga ito.

Hiniling niya na maging 50-50 ang hatian nila na pasok pa rin sa legal na basehan kahit hindi sila kasal.

Ito ay ang mga kita sa video ng mga panahong nakatira lamang sila sa iisang bubong ayon sa abogado ng programa na si Atty. Garreth Tungol.

Dito napapayag na ni Tulfo ang dalawa sa kasunduan ito ngunit may isa pa muli hinirit na reklamo si China at ito ay ang tungkol naman sa mga larawan ng anak umano ni China na ibinahagi raw ni Tim sa social media.

Nagawa raw itong mura-murahin ng dating live-in partner kaya masasabi raw itong pang-aabuso sa bata.

Dahil sa tilang sanga-sangang reklamo ni China laban sa dating kinakasama nabanggit ni Tulfo na baka maari na lamang na magkabalikan ang dalawa.

Mariin namang tumanggi si China sa suhestyong ito.

Sa huli, tutulong ang programa upang makausap ng abogado ang magkabilang panig para maayos ang sinasabing nararapat na hatian ng kita ng vlogger couple.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Popular na vlogger sina Tim Sawyer at China Roces kung saan ipinakikita nila noon ang buhay mag-asawa o magkasintahan.

Gumawa ng ingay ang dalawa nang isiwalat ni China ang di umano'y panloloko sa kanya ng partner at pagtatago umano nito ng malaking halaga ng pera na dapat ay para sa kanila.

Kamakailan ay sinabi naman ni Tim na nasa iisang bahay pa rin sila ni China na ikinagulat din ng marami.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel