Tim Sawyer: "Magkasama pa rin kami sa bahay ni China Roces!"

Tim Sawyer: "Magkasama pa rin kami sa bahay ni China Roces!"

- Inamin ng vlogger na si Tim Sawyer na magkasama pa rin sila ng partner na si China Roces sa kanilang bahay

- Ito ay sa kabila ng kanilang malaking away na humantong na nga sa sigalot nila sa social media

- Ayon kay Tim, sa kabila ng mga akusasyon sa kanya na iniwan niya ang mag-ina ay nanahimik lamang siya sa isyu

- Kahapon, sa isang FB post, isang CCTV footage ang ipinakita ni Tim sa publiko na kuha sa kanilang bahay ni China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inamin ng vlogger at ngayo'y nalalagay sa "hot seat" na si Tim Sawyer na magkasama pa rin sila ng partner at kapwa internet star na si China Roces sa iisang bubong.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Tim na sa kabila ng mga akusasyong iniwan niya ang mag-ina niya ay nanatili pa rin siya sa kanilang bahay.

Tim Sawyer: "Magkasama pa rin kami sa bahay ni China!"

Screen grab from Facebook
Source: Facebook

Inamin din ni Tim na nasasaktan siya sa mga paratang sa kanya ng mga tao. Ani pa nito, hindi raw alam ng publiko ang totoong nangyari sa kanila.

Masakit din daw para sa kanya na sinisiraan siya ni China habang magkatabi pa rin silang natutulog.

Dagdag pa ni Tim, mas marami pa raw sikreto si China kaysa sa kanya. Iginiit din nito na hindi siya nagkulang sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang naging kontrobersyal ang dalawa matapos silang mapanood sa isang FB Live habang nagtatalo.

Ayon kay China, nag-ugat ang kanilang away matapos niyang madiskubre na pinagtataguan siya ng pera ni Tim na kinita nila mula sa kanilang mga videos.

Simula noon ay naging laman na ng social media ang isyu sa pagitan ng dalawa.

Kahapon, September 2, isang CCTV footage ang in-upload ni Tim sa kanyang FB account na kuha sa kanilang bahay.

Dito makikita ang pagtatalo ng dalawa na ayon kay Tim ay nag-ugat nang papirmahin niya si China sa isang kasulatan na magpapatunay na ibinigay niya ang hinihingi ni China na P300,000.

Nagalit din umano ang babae nang ibigay niya ang pera sa harap ng ibang tao roon.

Depensa naman ni China, sinet up lamang siya ni Tim upang magmukha siyang masama sa tingin ng publiko. At lahat daw ng kanyang ginagawa ay para sa kanilang anak ni Tim.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Isang kaibigan naman ni China ang agad na nagsiwalat ng kanya raw nalalaman ukol sa mainit na isyu.

Samantala, niliwanag din ni China ang tungkol sa isang model/vlogger na nabanggit niya sa kanilang kontrobersyal na FB Live.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel