39 na Pinoy seaman, kumpirmado ng PH Embassy sa Japan ang pagkawala
- Naibalitang nasa 39 na Pinoy na sakay ng isang cargo ship ang nawawala
- Kinumpirma naman ng Philippine Embassy sa Japan ang insidente at nakikipag-ugnayan na ang mga ito sa Japan Coast Guard
- Noong Miyerkules ay nagpadala na raw ng distress signal ang cargo ship mula sa East China Sea
- Sa ngayon ay isinasagawa pa rin ang search and rescue operation para sa mga Pinoy na nawawala
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kumpirmado na 39 na Pinoy crew member ng isang cargo ship ang nawawala ngayong Huwebes.
Nalaman ng KAMI na nalamang nawawala ang cargo ship nang magpadala ito ng distress signal mula sa East China Sea nitong Miyerkules.
Ayon sa post ng Philippine News Agency sa Facebook, nakipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Japan Coast Guard sa paghahanap sa mga nawawalang Pinoy .
“We are coordinating with Japan Coast Guard on this. No additional details as of this time. We are praying for their safety, too,” sabi ni PH Embassy Deputy Chief of Mission Robespierre Bolivar.
Samantala, sa ulat naman ng CNN Philippines ay sa ngayon ay isinasagawa pa rin ang search and rescue operation para sa mga taong nasa cargo ship. Bukod sa mga Pinoy, may mga ibang nasyonalidad pa ang nakasakay sa nawawalang barko.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa nakaraang ulat ng KAMI, 14 na sakay ng isang fishing vessel ang nawala matapos umanong bumangga ng Chinese cargo vessel dito.
Kasama nga ang kapitan at dalawang pasahero sa 14 na mga Pinoy na nawala. Nagsagawa rin agad ng search at rescue operation dito.
Naibalita rin ng KAMI noon na isang fishing vessel ang nabangga ng Chinese vessel sa West Philippine Sea. Nasa 22 na buhay ng mga Pinoy ang nalagay sa pahamak matapos umanong umalis kaagad ng Chinese vessel sa insidente.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh