China Roces, itinanggi ang akusasyong pananakot niya kay Tim Sawyer

China Roces, itinanggi ang akusasyong pananakot niya kay Tim Sawyer

-Agad na sinagot ni China Roces ang akusasyon ni Tim Sawyer laban sa kanya

-Ayon kasi kay Tim Sawyer ay tinatakot daw siya ni China matapos siyang kuhanan ng video upang gamiting panira sa kanya

- Isang CCTV footage rin ang ipinakita ni Tim sa publiko kung saan makikita si China habang kinukuhanan siya ng video

- Pero depensa ni China, sinet up lamang siya ng lalaki upang magmukhang masama umano sa publiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad na sinagot ni China Roces ang akusasyon ng kinakasama at kapwa internet star na si Tim Sawyer.

Sa isang Facebook post, iginiit ni China na sinet up lamang siya ni Tim upang magmukha siyang masama sa tingin ng publiko.

Ito ay matapos ipost ni Tim ang isang CCTV footage na kuha umano kagabi sa kanilang bahay.

Sa naturang video, makikita ang pagtatalo ng dalawa at ang pagkuha ni China ng video kay Tim gamit ang cellphone nito na gagamitin umano nitong panakot sa kanya.

Sabi pa ni Tim, pinuntahan niya si China upang ibigay ang hinihingi nitong P300,000 mula sa kinita nila sa kanilang mga vlogs.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero nagalit umano ang babae nang ibigay niya ang pera sa harap ng ibang tao at nang papirmahin niya ito sa isang kasulatan para hindi raw nito mai-deny ang pagbibigay niya rito ng pera.

Sabi naman ni China, ginamit lamang ito ni Tim upang masiraan siya sa publiko.

China Roces, sinagot ang akusasyog pananakot daw niya kay Tim Sawyer

Screen grab from Facebook
Source: Facebook

Giit pa ng model-vlogger, lumalaban lamang siya para sa kanilang anak ni Tim.

Sinabi rin nito na hindi pera ang kailangan niya kung 'di ang pagmamahal ng isang asawa at ama sa anak na 'di raw naibigay ni Tim.

"Hindi pera ang kailangn ko! Yung tunay na pagmamahal ng isang asawa at ama ng anak ko na hindi mo pinakita sakin mula ng nagkapera kana," anito.

"Ngaun masaya kana?? Nabaliktad mo na ako..Kung talagang mahal mo kami hindi mo yan gagawin..Yung i setup ang cctv at bbgyan aq ng pera at papipirmahin para iset up at siraan ako," sabi pa ni China sa kanyang FB post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Isang kaibigan naman ni China ang agad na nagsiwalat ng kanya raw nalalaman ukol sa mainit na isyu.

Samantala, niliwanag din ni China ang tungkol sa isang model/vlogger na nabanggit niya sa kanilang kontrobersyal na FB Live.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel