John Regala, pinabulaanang sasampahan pa niya ng kaso ang mga tumulong sa kanya

John Regala, pinabulaanang sasampahan pa niya ng kaso ang mga tumulong sa kanya

- Nagbigay ng update si John Regala patungkol sa kontrobersya kaugnay ng pagtulong sa kanya nina Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro at Aster Amoyo

- Pinabulaanan niya ang mga bali-balitang may balak umano siyang magsampa ng kaso laban sa tatlo

- Nais na lamang daw niya ng katahimikan lalo na na hiniling niyang regal para raw sa kanyang kaarawan

- Patuloy pa ring nagpapagaling sa kanyang tahanan ang aktor na mas pinili daw nito kaysa ang manatili sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

John Regala, pinabulaanang may balak siyang sampahan ng kaso sina Chuckie Dreyfus

John Regala (Photo from Aster Amoyo's Facebook)
Source: Facebook

Nagbigay ng update si John Regala kaugnay sa kanyang kalagayan at ang kontrobersiyang patuloy pa rin niyang kinasasakngkutan.

Sa kanyang pinakabagong Facebook post noong Setyembre 1, nabanggit nitong walang katotohanan ang nababalitang nagpaplano pa umano siyang sampahan ng kaso sina Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro at Aster Amoyo.

Matatandaang ang tatlong nabanggit ay pawang mga kasamahan ni John sa industriya ng showbiz na siyang tumulong sa kanya mula nang mag-viral ang kanyang larawang kuha sa lansangan ng Pasay City.

Nalaman ng KAMI na ilang araw ang makalipas nang makalabas ng ospital si John ay pumutok ang isyu na wala raw umano siyang natanggap 'ni singkong duling' mula sa nakalap na tulong ng tatlo para sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Katunayan, humantong pa sila sa programa ni Raffy Tulfo upang malinawan sa mga akusasyon sa isa't isa lalo na at ito ay usaping pera.

Ang dating aktor na si Chuckie Dreyfus ang humarap sa programa ni Tulfo at pinakita nito ang breakdown ng halagang ipinaabot kay John na ang natira ay maayos namang naipasok sa bangko.

Sa ikalawang beses na paghaharap nila ni Chuckie sa programa ni Tulfo, nilinaw ni John na kaya niya hinahanap ang listahan ng mga nagpaabot sa kanya ng tulong ay upang mapasalamatan daw ang bawat isa sa mga ito.

Samantala, sa kanya ring post, sinabi ni John na nais na lamang niya ng katahimikan para sa kanyang kaarawan.

"Ako po ay nanahimik na po gusto ko na po ng katahimikan sana ibigay niyo na po ito sa akin bilang regalo niya na lang po sa aking kaarawan, nagpapasalamat po ako sa inyo," pahayag ni John.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang Hulyo nang mag-viral ang larawan ni John Regala na humihingi ng tulong matapos na mamataan siya ng isang delivery rider sa Pasay City.

Agad naman naman siyang tinulungan ng ilang nagmalasakit sa kanyang kasamahan sa showbiz at nadala agad siya sa pagamutan.

Patuloy pa rin ang gamutan ng kanyang iniindang sakit na liver cirrhosis habang nagpapahinga siya sa kanyang tahanan.

Maging ang una niyang asawa ay walang tigil pa ring nagbibigay ng suporta sa dating aktor.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel