Tim Sawyer, inakusahan ng pananakot ang partner na si China Roces

Tim Sawyer, inakusahan ng pananakot ang partner na si China Roces

-Isang akusasyon ang binitiwan ng internet star na si Tim Sawyer laban sa kinakasama na si China Roces

-Ayon kay Tim ay tinatakot umano siya ni China matapos siyang kuhanan ng video nang puntahan niya ito sa bahay upang ibigay ang hinihingi nitong P300K

-Sa isang CCTV footage na ipinakita ni Tim sa publiko, makikita pa ang dalawa habang nagtatalo

-Agad namang sumagot si China matapos kumalat sa social media ang post ni Tim

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang matinding akusasyon ang inilabas ng internet star na si Tim Sawyer laban sa kinakasama at kapwa vlogger na si China Roces.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Tim ngayong araw, sinabi nito na tinakot umano siya ni China matapos kuhanan ng video upang gamitin umanong panira sa kanya.

Tim Sawyer, inakusahan ng pananakot ang partner na si China Roces

Photo from China Roces Facebook page
Source: Facebook

Isang CCTV footage rin ang ipinakita ni Tim sa publiko kung saan makikita ang kanilang pagtatalo.

Sa unang bahagi nito ay makikita si China na mayroon isinusulat habang kumakain naman si Tim kasama ang ilang tao sa bahay.

Maya-maya pa ay makikita na ang pagkuha ni China sa cellphone nito at kinuhanan ng video si Tim.

Ayon kay Tim, humingi sa kanya ng P300,000 si China mula sa kinita nila sa kanilang mga vlogs.

"UNA SA LAHAT ILANG BESES MUNA GINAWA NA GINAGAWAN MOKO NG KWENTO TUNGKOL SA MADAMOT AKO SA PERA.

"PERO ALAM MO UMAASA PARIN AKO NA SANA KAGABI OK NA ANG LAHAT SINABI KO LANG GUSTO KO E SULAT MO AT PUMERMA KA KASI BAKA E DENY MO NA NAMAN DI KITA BIGYAN NG PERMA INSTEAD NA MAGING MASAYA VINIDEOHAN MO PA AKO PARA SAN PARA IPA HIYA NANAMAN AKO SA FACEBOOK AT E LALABAS MO NA NAMAN NA AKO YUNG MAY PROBLEMA SA PERA SATIN DALAWA?" anito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"NAG KAKA GANITO NGAYON KASI SUMUSUBRA NA SI CHINA NGAYON MONTH LANG NATO NANG HINGI SYA SAKIN NG 100k BINIGAY KO SA KANYA..

"KAHAPON KINUKULIT NA NYA AKO SA ONOTHER 300K NA GUSTO NYA KUNIN SAKIN..PERO ANO GINAWA MO TINATAKOT MO NAMAN AKO VIDEOHAN ULIT GAYA NG PINAPAHIYA MOKO SA MGA TAO !!!!IKAW ANG KAILANGAN MAG BAGO SATIN DALAWA HINDI AKO," sabi pa nito.

Agad namang sumagot si China matapos kumalat sa social media ang post ni Tim. Anito, sinet-up lamang siya ng lalaki upang magmukha siyang masama sa tingin ng iba.

Iginiit din ni China na para sa kanilang anak lang ang kanyang ginagawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim Sawyer at China Roces sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Isang kaibigan naman ni China ang agad na nagsiwalat ng kanya raw nalalaman ukol sa mainit na isyu.

Samantala, mabilis na kumalat din ang convo nina China at ng matalik na kaibigan ni Tim.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel