Raffy Tulfo, napahalakhak nang makitang katabi ng misis ang inirereklamong mister

Raffy Tulfo, napahalakhak nang makitang katabi ng misis ang inirereklamong mister

- Napahalakhak sa kakatawa si Raffy Tulfo nang makitang kasama ng misis ang inirereklamong mister

- Nagulat ang host na ang inirereklamo sa kanyang programa ay masarap pa ang higa sa tabi ng misis na nais na siyang palayasin

- Makailang beses na raw kasing nahuli ng misis ang mister na nakikipagkita sa sinasabi nitong kabit

- Malakas din daw ang loob ng kabit na mag-post sa social media ng mga lugar na pinupuntahan nila ng lalaki

- Sinubukan pa rin ni Tulfo na pag-ayusin ang mag-asawa gayung ang pinili pa rin naman ng lalaki ay ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, napahalakhak nang makitang katabi ng misis ang inirereklamong mister

Raffy Tulfo (Photo from Instagram)
Source: Instagram

Nabalot ng tawanan ang isa sa mga episode ng Raffy Tulfo in Action noong Setyembre 1.

Nalaman ng KAMI na katabi mismo ng misis na si Hazel Brin ang inirereklamo niyang mister na si Marlone Brin.

Dahil dito, hindi naiwasan ni Raffy Tulfo na mapapulaghak ng tawa nang biglang bumangon ang lalaki sa tabi ng misis na inaakusahan siya ng pangangaliwa.

Kwento ni Hazel, makailang beses na niyang nahuli ang mister na nakikipagkita sa kanyang kalaguyo.

Ang masaklap pa rito, nagagawa pa ng babae na i-post ang lugar na pinupuntahan nila ni Marlone.

Mariin naman itong itinatanggi ng mister at sinasabing judgmental lamang daw ang kanyang asawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Depensa ng misis, may ilan daw siyang ebidensya na nagpapakitang magkasama nga ang dalawa at hindi lamang ito isang beses nangyari.

Kung mapatunayan, maaring kasuhan ang dalawang nagkasala ngunit nilinaw ng misis na ang nais lamang niyang sampahan ng kaso kung sakali ay ang kabit ng kanyang asawa.

Praktikal na lamang daw siya at tatanggapin pa rin ang mister dahil sa nag-aaral ang kanilang mga anak.

Dahil dito, minabuti muna ni Tulfo na pag-ayusin ang mag-asawa lalo na at kalmado naman ang dalawa na magkasama pa rin sa iisang bubong.

Nang papiliin din naman ang lalaki ay pinili pa rin nito ang kanyang pamilya kaysa sa sinasabing ibang babae nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

Kilala si Raffy Tulfo di lamang sa pagiging isang mahusay na host at broadcast journalist kundi dahil sa mabilis nitong pag-aksyon sa mga sumbong sa kanya ng sinomang dumudulog sa kanyang programa.

Katunayan, kahit pa sikat ng personalidad ay nagagawa niyang tulungan upang agarang mabigyan ng tulong o hustisya ang anumang sitwasyong idinudulog nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel