Guro, nangangalap ng tulong para sa estudyanteng nag-aarkila lang ng smartphone

Guro, nangangalap ng tulong para sa estudyanteng nag-aarkila lang ng smartphone

- Nag-viral ang post ng isang guro na nadurog ang puso nang malaman ang kalagayan ng kanyang mga estudyante

- Ilan sa mga ito ay walang smartphone o anumang gadget para magamit nila sa kanilang online classes

- Ang ilan naman ay nagtatrabaho na upang may kitain para maipambili ng load para sa kanilang online class

- Sa huling update ng guro, may mga taong may mabubuting puso na nagpadala na sa kanya ng tulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Guro, nangangalap ng tulong para sa estudyanteng nag-aarkila lang ng smartphone

Mensahe ng estudyante (Photo from Rejhon Soriano Modesto Facebook)
Source: Facebook

Umantig sa puso ng mga netizens ang viral post ng gurong si Rejhon Soriano Modesto nitong Lunes, Agosto 31 tungkol sa kalagayan ng ilan niyang mga estudyante na nagsusumikap makasabay sa online classes.

Nalaman ng KAMI na isang senior high school teacher si Rejhon sa Maynila subalit aminado siyang hindi pa rin lahat ng kanyang mga estudyante ay kayang makisabay sa online classes kahit pa ito'y mga nasa siyudad na.

Gaya na lamang ng isa na nagtanong pa sa guro kung sila ay may klase dahil wala siyang sariling smartphone na magagamit.

Umaarkila lamang daw siya para lamang hindi maka-absent sa makabagong paraan nila ng pagkaklase.

Suma-sideline din umano ang estudyanteng ito ng pagde-deliver ng tubig para na rin daw may maipambili ito ng load at may maipambayad sa pag-arkila.

Nang malaman ito ng guro, labis na nadurog ang kanyang puso kaya naman lakas-loob niyang ipinakita ang mesahe na ito ng estudyante bilang patunay na hindi tamad ang mga mag-aaral, ang iba ay sadyang nangangailangan lamang ng tulong.

Sa update ng guro, hindi lamang ang estudyante niyang ito ang nahihirapan na makisabay sa 'new normal ng education.

Ang isa, na-lockdown na sa Marinduque at gumigising ng madaling araw upang maghanapbuhay muna ng paghihila ng lambat para lamang din may maipambili ng internet load.

Dahil sa nag-viral ang post na ito ni Rejhon, dinagsa ng tulong ang kanyang mga estudyante.

Ang parehong mag-aaral ay mabibigyan na ng smartphones at nagawan na rin ng paraan ang kani-kanilang mga internet connection.

Pinag-aaralan na ring mabigyan ng pangkabuhayan ang kanilang mga pamilya upang hindi na magtrabaho pa ang mga estudyante at maka-tutok na lamang ito sa kanilang klase.

May posibilidad din na mabigyan pa ang ibang nangangailangang estudyante sa kanilang paaralan dahil sa patuloy na pagbuhos ng tulong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5 sa mga pampublikong paaralan, pangamba pa rin ng karamihan ang kahihinatnan nito lalo na at hindi lahat ay may kakayanan na makipagsabayan sa online classes na pangunahing paraan ng pagtuturo ngayong panuruang taon.

Bagaman at may iba't ibang pamamaraan ng pagkakatuto na tinatawag na blended learning, pangamba pa rin ng mga magulang na hindi makasabay ang kanilang mga anak kung hindi makagagamit ang mga ito ng online class kung saan makikita ang kani-kanilang mga guro.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel