Lolang walang face mask at pagala-gala sa EDSA, pahirapang kinausap

Lolang walang face mask at pagala-gala sa EDSA, pahirapang kinausap

- Nahirapan ang mga MMDA officials na kausapin ang isang matandang babae na namataan nila sa EDSA na pagala-gala at nag-iisa

- Bukod sa isa ito sa mga high risk individuals sa COVID-19 pandemic, wala rin itong suot na face mask o face shield

- Sa kabila ng pakiusap na isuot nito ang binigay na face mask at face shield ay bigo pa rin ang mga opisyal na pasunurin ang matanda

- Pinaalalahanan naman ng MMDA ang isang kakilala nito na panatilihin na lamang ang matanda sa bahay para makaiwas sa virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pahirapan ang ginawang pakiusap ng ilang MMDA officials at Task Force Disiplina sa isang matandang babae na namataan nilang pagala-gala sa EDSA Quezon Avenue.

Bukod dito ay wala ring suot na face mask at face shield ang matanda na ipinanukala nang gawing mandatory sa mga pampublikong lugar.

Lolang walang face mask at pagala-gala sa EDSA, pahirapang kinausap

Screen grab from Facebook
Source: Facebook

Sa video na ibinahagi ng Gadget Addict, makikita pa nang ilang beses na sinubukan ng mga opisyal na pagsuotin ng face mask at face shield si lola.

Pero nanigaw at nanakit pa ito ng ilan na sumubok na tumulong dito.

Isa si lola sa mga high-risk individuals sa COVID-19 pandemic dahil mas madali itong mahawa ng virus.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pinapayuhan ang mga matatanda, may mga karamdaman, mga edad 20 pababa at mga buntis na manatili na lamang sa bahay para makaiwas sa mabagsik na virus na kumitil na sa libo-libong buhay.

Samantala, isang lalaki naman na kakilala ng matandang babae ang lumapit dito.

Pinaalalahanan naman ito ng MMDA na panatilihin na lamang sa bahay ang matanda. Nangako naman ang lalaki na sasabihan nito ang mga anak ni lola.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report, isa namang buntis ang nasawi sa Brazil matapos mahawaan ng COVID-19 nang sorpresahin ito ng mga katrabaho ng isang baby shower.

Napag-alamang isa sa mga dumalo sa event ay COVID-19 positive at asymptomatic.

Dati na ring naiulat nang isang babaeng walang suot na face mask sa isang pampublikong jeep rin ang nagalit sa isang matandang babae na kapwa pasahero nito na sumita rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel