BF, nagawang bugbugin ang nobya nang tanggihan siya nitong magpakasal

BF, nagawang bugbugin ang nobya nang tanggihan siya nitong magpakasal

- Nagawang saktan ng lalaking noo'y gumagawa ng kanyang motor ang nobya nang tanggihan siya nito sa alok nitong marriage proposal

- Nakatakas ang babae at agad na humingi ng saklolo nang makalabas sa kanilang bahay

- Nang dumating ang pulis, nagawa pang magsinungaling ng lalaki at sinabing ang babae ang unang nanakit sa kanya

- Napag-alamang kakalipat lamang ng babae sa bahay ng lalaki, apat na araw bago mangyari ang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

BF, nagawang bugbugin ang nobya nang tanggihan nito ang kanyang marriage proposal

Photo (from freepik)
Source: UGC

Arestado ang isang lalaki sa Texas, United States nang magawa nitong saktan ang kanyang nobya nang i-reject nito ang kanyang marriage proposal.

Nalaman ng KAMI na ang 45-anyos na nobyo na si Robert Clarance Noble ay nagkukumpuni noon ng kanyang motor bago niya isiwalat ang tanong na "will you marry me?" sa kanyang nobya noong Agosto 31.

Apat na araw pa lamang mula nang pumisan ang kanyang nobya sa kanilang bahay sa loob ng ilang buwan pa lang nila sa relasyon.

Ayon sa ulat ni Ryan Arcadio ng Inquirer, tumanggi ang babae dahilan upang magalit si Robert.

Dahil dito, nagawa ng lalaking maihampas ang gulong ng inaayos na motor sa nobya at tuluyan pa itong sinaktan.

Nang magkaroon ng pagkakataong tumakas, nakahingi ng tulong ang babae at nakatawag ng pulisya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ulat ng NBC-affiliate KFDX, nadatnan ng mga awtoridad ang suspek, kasama ang kanyang ina ngunit hindi raw ito agad na sumama sa kanila.

Giit ng lalaki, ang kanyang nobya ang unang umatake at nanakit sa kanya.

Agad naman itong napabulaanan ng pulisya gayung walang anumang sugat o pasa na natamo ang lalaki kumpara sa nobyang nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Hindi nagtagal, mismong ang ina ng lalaki ang nagbukas ng pinto at nagpapasok sa mga pulis upang makuha ang kanyang anak.

Mahaharap sa kasong assault family violence si Noble ayon sa ulat ng The World News.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kung hindi man nagtagumpay ang marriage proposal na ito, may ilan namang nagsilbing inspirasyon ang pinakahihintay na pagkakataon na maitanong ang "will you marry me?" sa kanilang minamahal.

Tulad na lamang ng isang frontliner na matapos na maka-recover sa COVID-19, hindi na pinakawalan ng kanyang nobyo na ayain siya na magpakasal.

Mayroon din namang kakaibang wedding proposal na bagaman at nakuha ng lalaki ang matamis na 'Oo' ng kanyang minamahal, naging sanhi naman umano sila ng matinding traffic sa kanilang lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel