Buntis, patay matapos mahawaan ng COVID-19 sa surprise baby shower

Buntis, patay matapos mahawaan ng COVID-19 sa surprise baby shower

- Ilang araw matapos ang sorpresang baby shower para sa guro na si Camila Graciano ay agad itong binawian ng buhay dulot ng COVID-19

- Ayon sa lumabas na report, nahawaan si Graciano ng virus matapos itong sorpresahin ng mga katrabaho

- Napag-alamang isa sa mga dumalo ay positibo sa virus at asymptomatic

- Ligtas naman at kasalukuyang minomonitor sa isang ospital ang baby ni Graciano

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng pag-iingat ng walong buwang buntis na si Camila Graciano dahil sa pandemic para makaiwas sa COVID-19, hindi pa rin ito nakaligtas sa mabagsik na virus na kumitil sa buhay nito.

Ayon sa report ng Insider (Author, Canela López) at FOX5, nahawaan ng virus ang teacher sa Brazil na si Graciano matapos itong sorpresahin ng mga katrabaho ng isang baby shower.

Buntis, patay matapos mahawaan ng COVID-19 sa surprise baby shower

Photo from Google Images
Source: UGC

Napag-alamang isa sa mga dumalo sa event ay COVID-19 positive ngunit asymptomatic.

Dinala si Graciano sa isang ospital at na-admit sa COVID-19 maternity ward noong August 19 kung saan sumailalim ito sa emergency cesarean delivery.

Ligtas naman at kasalukuyang minomonitor sa isang ospital ang baby ni Graciano.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matapos manganak ay nagpakita pa raw ng improvement si Graciano ayon sa kapatid nito.

"Right after giving birth, she showed some major improvement. Even the doctors said: 'Look, have faith, because her lungs are improving, her heart rate is improving, her blood pressure is improving," anito.

Ngunit makaraan lang ang isang linggo ay binawian din ng buhay ang ginang.

Ayon sa report ng Newsweek, batay sa statement na inilabas ng ospital, mayroong history ng hypertension, diabetes at obesity si Graciano.

Matapos magkaroon ng COVID-19 ay nakaranas ng pananakit ng dibdib ang ginang at respiratory distress sa loob ng walong araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan lang, isang doktor naman ang nag-post tungkol sa isang pasyenteng buntis na itinago na ito ay positibo sa COVID-19.

Dahil dito, kinailangan nilang limitahan ang pagtanggap sa mga pasyente at pagtulong sa iba pang may sakit.

Kinailangan kasi nilang idisinfect ang mga lugar na pinuntahan ng nasabing pasyente at masigurong hindi nahawaan ang iba pang nakasalamuha nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel