BF ng nag-post ng edited photo ng Pangulo, 'di rin natuwa sa nagawa ng nobya

BF ng nag-post ng edited photo ng Pangulo, 'di rin natuwa sa nagawa ng nobya

- Naglabas ng pahayag ang nagpakilalang nobyo ng nagpost ng edited na larawan ni Pangulong Duterte

- Aminado ang nobyo na hindi rin umano siya natuwa sa ginawa ng nobya niyang isang guro

- Nagawa raw niya itong pagsabihan lalo pa at isa raw sa hindi nila napapagkasunduan ay pulitika

- Hiniling din naman ng nobyo na mapatawad na ang nobya sa nagawa nitong pagkakamali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

BF ng guro ng nagawang i-edit ang larawan ng Pangulo, 'di rin natuwa sa ginawa ng nobya

Laarni Villaluz (Photo from Facebook)
Source: UGC

Ilang araw matapos na gumawa ng ingay sa social media ang post ng guro na si Laarni Villaluz kung saan nagawa nitong i-edit ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte, naglabas na rin ng saloobin ang nobyo nito.

Nalaman ng KAMI na maging ang nobyo ay labis na nabahala at di inaasahang magagawa ito ng kasintahan.

Sa repost na ginawa ng Facebook page na May Jude TV, ipinakita ang komento ng nagpakilalang nobyo ni Laarni na si Reyneir John Arevalo Magno.

Ayon kay Reyneir, alam nilang isang malaking pagkakamali ang nagawa ng kanyang kasintahan.

Lalong hindi katanggap-tanggap ito at isa siyang propesyunal na nagawa umanong bastusin ang pinuno ng bansa.

Alam din nila hindi lamang ang mismong Pangulo ang nasaktan o na-offend sa kamalian ni Laarni kundi maraming tao na pumupukol sa kanila ngayon.

"Kahit ako rin po ay nagalit ng sobra sa kanya, dahil hindi ko rin po nagustuhan ang ginawa niya sa Facebook."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Aminado si Reyneir na maging siya ay uminit ang ulo sa ginawa ni Laarni kaya agad niya rin naman daw itong pinagsabihan.

Nabanggit din ng nobyo na isa sa hindi nila napapagkasunduan ni Laarni ay ang pulitika.

Gayunpaman, hiniling pa rin niyang mapatawad na sana ang kanyang nobya dahil tao lamang daw ito na nagkakamali.

Narito ang kabuuan ng komento ni Reyneir:

Kamakailan ay nag-viral ang edited na larawan ni Presidente Duterte na nagmistulang aso na kumakain sa lapag.

Ibinahagi niya ito sa isang Facebook group kung saan siya nabibilang kaya naman mabilis na itong kumalat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hango ito sa orihinal niyang larawan kung saan nagawa niyang halikan ang lupa nang bumisita ito sa bombing location na naganap sa Jolo, Sulu.

Sinasabing ang guro na si Laarni Villaluz ang may lakas ng loob na gawin ito sa pangulo na agad na humingi ng kapatawaran matapos lamang ang ilang oras ng pagkaka-post ng kontrobersyal na larawan.

Bukod sa paghingi niya ng tawad sa Pangulo, humingi rin siya ng kapatawaran sa kanyang pamilya, mga kaibigan at kakilala dahil sa kahihiyang nagawa niya.

Maging ang paaralan kung saan nagtatrabaho bilang guro si Laarni ay naglabas na ng opisyal na pahayag tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanilang empleyado.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel