Delikado! Mga gamit na COVID-19 rapid test kit, nagkalat sa kalsada sa Maynila

Delikado! Mga gamit na COVID-19 rapid test kit, nagkalat sa kalsada sa Maynila

- Nagulat ang mga residente nang makita nilang may mga gamit na rapid test kit ang nagkalat sa isang kalye sa Maynila

- Nabutas umano ang sako ng basura ng isang mangangalakal kaya nahulog ang mga ito

- Nangamba naman ang mga residente at netizens na baka makahawa ng COVID-19 ang mga rapid test kits na ito

- Babala ni Mayor Isko Moreno, maaaring ipasara ang clinic o laboratory center na nasa likod ng insidenteng ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkalat ang ilang mga gamit na rapid test kit sa isang kalye sa Maynila kamakailan lang.

Nalaman ng KAMI na winawalis na ng mga tao sa Barangay 452 sa Sampaloc ang mga nagkalat na rapid test kit.

Delikado! Mga gamit na COVID-19 rapid test kit, nagkalat sa kalsada sa Maynila

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sabi ng mga nakakita ay nabutas ang sako ng basura ng using mangangalakal nang dumaan ito sa M. Dela Fuente Street.

Sapul naman sa CCTV ang pagkahulog ng mga rapid test kit. Nagulat naman ang mga residente nang makita nilang gamit na mga rapid test kit ang kumalat sa kalye.

Samantala, kinuha naman ng mga taga-Department of Public Services ng Maynila ang mga nagkalat na rapid test kit.

Babala ni Manila Mayor Isko Moreno, maaaring ipasara ang laboratory center o clinic kung saan nanggaling ang mga ito dahil sa paglabag nito sa proper disposal ng rapid test kits.

Maging ang mga netizens ay nangamba sa pagkalat ng mga gamit na rapid test kits sa Maynila. Narito nga ang mga komento nila sa Twitter ng ABS-CBN News:

“Some people can't even discard used test kits/PPEs properly. Guess what Philippines, we are doomed!”
“Nakaka awa talaga ang Pinas kung totoo nga iyan”
“E di nag kalat virus niyan.”
“di pa dapat di residents mag linis niyaaan”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan nga ay isang netizen naman ang nagbabala sa mga modus na nagbebenta umano ng mga “recycled” na face mask.

Kaya naman, nagbigay babala ang Department of Health (DOH) laban sa mga ito. Paalala nila, dapat ay sa mga lehitimong botika o tindahan lang bumuli ng face mask.

Sa Maynila naman ay nag-alok ng P100,000 na pabuya si Mayor Isko Moreno para sa barangay na walang kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel