Gurong nagpost ng edited photo ni Pangulong Duterte, inaksyunan na

Gurong nagpost ng edited photo ni Pangulong Duterte, inaksyunan na

-Matapos mag-viral at makatanggap ng pambabatikos mula sa mga netizens, humingi na ng paumanhin ang gurong si Laarni Villaluz

-Kasunod ito ng pagpo-post nito ng inedit na larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan para itong kumakain ng dog food

-Dahil dito, naglabas na ng pahayag ang paaralang pinagta-trabahuhan ng nasabing guro matapos makatanggap ng mga reklamo

-Ayon sa statement ng paaralan, hindi nila kinukunsinti ang ginawa ng guro at sinabing nagsagawa na sila ng 'administrative action' laban sa guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-viral at mabatikos ng mga netizens ang senior high school teacher na si Laarni Villaluz ay agad itong humingi ng paumanhin sa publiko.

Gurong nagpost ng edited photo ni Pangulong Duterte, inaksyunan na

Photo from Facebook
Source: Facebook

Ito ay dahil sa kanyang pagpo-post ng inedit na larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan para itong kumakain ng dog foood.

Ang naturang larawan ay kuha nang bumisita ang presidente sa Jolo, Sulu at hinalikan ang lupa kung saan naganap ang dalawang pagsabog na ikinasawi ng ilang sundalo at sibilyan.

Dahil dito, naglabas na ng pahayag ang paaralang pinagta-trabahuhan ng nasabing guro matapos makatanggap ng mga reklamo.

Ayon sa statement ng paaralan, hindi nila kinukunsinti ang ginawa ng guro at sinabing nagsagawa na sila ng 'administrative action' laban sa guro.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"We deeply regret the recent incident being attributed to one of our school teachers relatively to an online post that has gone viral depicting the President of the Republic of the Philippines in a disrespectful and distasteful manner. The Maryhill College, Inc. does not and will not countenance any act – contrary to law, morals or public policy – by any of its personnel.

"As a Catholic Marian Institution, we reiterate our school’s commitment to promote and uphole our core values – particularly the practice of the Marian virtues such as humility, charity, and respect for persons. In line with the Catholic Church’s teachings, we work relentlessly to inculcate among our employees and students the value of conducting their daily affairs with integrity and in accordance with Christian moral principles.

"We wish to assure everyone that the school administration has already initiated the appropriate administrative action in relation to this matter."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang pagiging guro ang isa sa mga pinakamahirap na trabaho dahil hindi biro ang responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Ngayong may pandemya, mas sinubok pa ang kanilang katatagan dahil sa distance learning na ipinatupad upang makaiwas sa COVID-19.

Sa isa pang report, isang guro na naghahanda sa pasukan ang nahawaan at nakahawa ng virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel