Buntis na frontliner, patuloy ang serbisyo sa kabila ng kondisyon

Buntis na frontliner, patuloy ang serbisyo sa kabila ng kondisyon

- Hinangaan ang determinasyon ng frontliner na ito na kahit buntis ay patuloy pa ring naglilingkod

- Pinipigilan man siya ng kanyang mga mahal sa buhay ngunit nanindigan siyang magtrabaho lalo na at alam niya ang kakulangan ng mga medical frontliners sa bansa

- Nakararamdam man ng pagod lalo na sa kanyang kalagayan, idinaraan pa rin daw niya ito sa pagngiti

- Nakatakda na siyang manganak ngayong buwan ng Setyembre

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buntis na frontliner, patuloy ang serbisyo sa kabila ng kondisyon

Karmi Erika Marte Cariaso - Abunan (Photo from Facebook)
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang determinasyon na ipinakita ng fronliner na si Karmi Erika Marte Cariaso - Abunan na sa kabila ng pagdadalang-tao ay nanatili pa rin siya sa serbisyo sa pagiging isang medical frontliner.

Nalaman ng KAMI na pinipigilan na siya ng kanyang mga magulang na pansamantala na munang tumigil sa pagtatrabaho dahil lubha itong mapanganib sa kanya at sa sanggol sa kanyang sinapupunan.

Maging ang ospital na kanyang pinapasukan ay alam ang pagtutol na ng kanyang mga pamilya na ipagpatuloy pa rin ang serbisyo gayung siya ay buntis.

Ngunit hindi nagpatinag si Karmi. Ipinaliwanag niyang mabuti ang sitwasyon ang matinding kakulangan ng mga medical frontliners na handang isugal ang sarili sa panganib na dulot ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Inalala rin niya ang mga pasyenteng nakikipaglaban sa virus na wala pang naitatalang lunas. Kaya naman ang mga tulad ni Karmi na may kaalaman sa medisina ang maasahan ng mga pasyente upang maibsan ang paghihirap ng mga nagpositibo sa naturang respiratory disease.

Nabanggit din niyang sa kabila ng kanilang pagngiti ay kalakip nito ang pinagtatakpan nilang pagod sa araw-araw na pagharap sa pasyente.

Nilinaw din niyang bilang siya ay isang buntis, may mga konsiderasyon pa rin namang ibinibigay sa kanya sa trabaho kaya naman may mas nahihirapan pa bukod sa kanyang kalagayan.

Kaya naman para sa kanya, nararapat lamang na bigyang pagpapahala ang hirap at sakripisyo ng mga frontliners na tulad niya sa patuloy na pakikipaglaban natin sa COVID-19.

Nakatakda na ring magsilang si Karmi ngayong buwan ng Setyembre.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanyang mga larawan habang nasa serbisyo, suot ang personal protective equipment o PPE na hindi marahil komportable sa isang buntis na tulad ni Karmi:

Sa kabila ng mga sakripisyo ng mga frontliners na tulad ni Karmi, ang ilang sa kanila'y nakararanas pa ng diskrimnasyon sa takot at pangamba na makapanghawa sila ng COVID-19.

Ang masaklap, may nakaranas pa na mismong ospital na pinapasukan pa nila ang mismong nagpabaya di umano nang sila naman mismo ang tamaan ng virus.

Subalit mayroon pa rin naman na may ginituang puso na sa simpleng paraan nila ay nagpapasalamat at nagpapahalaga sa mga tulong at ambag ng medical frontliners sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel