Ate, proud sa kapatid na napagtapos ang sarili sa kabila ng matitinding pagsubok

Ate, proud sa kapatid na napagtapos ang sarili sa kabila ng matitinding pagsubok

- Ipinagmamalaki ng ate ang kanyang kapatid na si Jolina Salise sa di matatawaran nitong kasipagan

- Working student pa ito at panggabi pa, ngunit ni minsan ay di raw nila itong narinig magreklamo

- Dumaan pa sila sa matinding pagsubok kung saan biglaang pumanaw ang kanilang ama

- Ngunit lahat ay kinaya pa rin ng kapatid matupad lamang ang pangarap nitong makatapos sa pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Jolina Salise (Source: supplied)

Jolina Salise (Source: supplied)
Source: UGC

Isang super proud na kapatid ang nagbahagi ng kwento ni Jolina Salise na nakapagtapos ng pag-aaral dala ng matinding pagsusumikap.

Nalaman ng KAMI na hindi naging madali ang lahat sa pamilya ni Jolina lalo na at dumaan sila sa matitinding pagsuok sa buhay.

Subalit sa kabila ng lahat ng ito, hindi sila sumuko lalo na si Jolina na pilit na inabot ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

Narito ang kabuuan ng salaysay ng kanyang kapatid na ibinahagi sa KAMI:

Bago po ang lahat nais ko lang pong i-share lahat po ng mga pinagdaanan ni Jolina sa buhay.
2015 ng mag-working student siya. Nag-work siya sa Jollibee at nag-aaralsiya habang nagwo-work.
Bata palang siya, nais na niyang makapagtapos ng pag-aaral. Sa kabila ng kahirapan sa buhay nangangarap parin siyang makapagtpos. Aminado kaming mahirap lang talaga kami until now.
Pero ang mas masakit ay noong 2016 nang mamatay yung tatay namin. Si tatay pa naman yung naghahatid sa kanya sa terminal pag papasok na siya sa work at school. Kaya lang nagkasakit yung tatay namin at isang araw lang namatay na agad siya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kahit mahirap ang buhay namin hindi siya sumuko sa kanyang pag-aaral. Kahit puyat siya sa work niya sa Jollibee dahil night shift siya noon, papasok prin siya sa school.
Sa umaga, pag wala siyang pambayad sa mga project niya at iba pang bayarin sa school uutang siya sa mga kaibigan at mga kakilala niya at binabayaran niya naman. Salamat nga pala sa mga kaibigan at kakilala niya na nagpautang noon sa kapatid ko pag walang wala siya. At sa pinsan namin.
Actually, tinutulungan din namin siya sa abot ng aming makakaya. Kahit alam naming hirap na siya kasi working student siya, never naming narinig sa kanya na susuko siya sa knyang pag-aaral. At heto na nga yung matagal na niyang hinihintay, ang makapagtapos. Walang imposible sa taong my tiyaga. Congrats Jolina Salise, to god be the glory.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakabilib ang mga kwento ng tagumpay na tulad nang kay Jolina kaya naman ganoon na lamang ang paghanga sa kanya ng kanyang kapatid.

Marami talagang mga working students sa bansa na tinitiis ang lahat ng hirap at sakripisyo maigapang lang ang kanilang edukasyon na pinaniniwalaan nilang mag-aangat sa estado ng kanilang pamumuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel