Dalawang OFW sa Qatar, nakunan ng larawan habang nagpapalitan ng ulam

Dalawang OFW sa Qatar, nakunan ng larawan habang nagpapalitan ng ulam

- Nakuhanan ng larawan ang dawalang OFW sa Qatar na masayang nagbibigayan ng ulam

- Natuwa lamang daw ang kumuha ng larawan dahil sa bakod pa talaga nag-aabutan ng ulam ang mga ito

- Nilinaw naman ng OFW na alam ng kanilang mga amo ang kanilang ginagawa pagpapalitan ng pagkain

- Sa kabila ng pandemya, masasabi pa rin ng OFW na masuwerte silang mayroon silang hanapbuhay at madalas din naman daw nilang nakakusap ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng video call

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang OFW sa Qatar, nakunan ng larawan habang nagpapalitan ng ulam

OFW sa Qatar (Source: supplied)
Source: UGC

Nakunan ng larawan habang masayang nakikipagpalitan ng ulam ang overseas Filipino worker na si Marry Grace Torres Buban sa isa pang OFW.

Kwento ni Marry Grace sa KAMI, madalas daw nila itong ginagawa lalo na at may mga alagang bata ang mga Pinay domestic helper sa kabilang bahay kaya hindi na minsan ito makapagluto ng kanilang kakainin.

"Yong pic na yan ma'am parang natuwa lang 'yong kumuha niyan kasi nagpapalitan kami ng pagkain ng katulong sa kabilang bahay."
"Pero madalas ko namang ginagawang magbigay ng pagkain sa katabing bahay ng amo namin, kasi iyong amo nila anak ng amo ko. May mga alaga silang bata kaya di nila nahaharap magluto ng pagkain," pahayag ni Marry Grace.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil anak ng amo niya ang amo ng OFW sa kabilang bahay, alam naman daw ng mga ito ang kanilang ginagawang pagpapalitan ng pagkain.

Masasabing maswerte rin talaga si Grace kumpara sa ibang mga domestic helper dahil mahaba raw ang oras ng kanyang pahinga kaya naman nakakapagluto pa siya.

Mas maayos din daw ang kanyang amo ngayon. Kahit isang taon na siya sa Qatarm hindi niya gaanong ramdam ang lungkot dahil nagagawa rin niyang makausap madalas ang mga anak at mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

Tinitiis niya ang mawalay sa mga ito dahil wala pa raw siyang gaanong nai-pupundar kundi ang isang motor na balak niyang palagyan ng side car.

Mas pinagtutuunan niya raw kasi ang pag-aaral ng kanyang mga anak na siyang dahilan kung bakit nagsusumikap siyang kumita sa ibang bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa ating mga kababayang OFW na nagsasakripisyong mawalay para sa mga pamilyang naiwan nila sa Pinas.

Ang ilan, maagang nakapagpundar ng mga ari-arian at agad na nakikita ang bunga ng kanilang pinagsumikapan.

Ang iba naman, hindi pa rin sumusuko kahit unti-unti at may katagalan ang pagkamit ng kanilang mga pinapangarap.

Gayunpaman, nanatiling kahanga-hanga ang mga overseas Filipino workers dahil doble o minsan pa'y triple ang kanilang pinagdaraang hirap lalo na at malayo sila sa kani-kanilang mahal sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel