Pinay sa Kuwait, nakapagpundar na para sa mga anak at para na rin sa mga magulang

Pinay sa Kuwait, nakapagpundar na para sa mga anak at para na rin sa mga magulang

- Bukod sa maayos na buhay para sa asawa at mga anak, nakapag-pundar na rin ang OFW na ito para sa kanyang mga magulang

- Sa loob ng halos limang taong pag-aabroad, unti-unti niyang naabot ang dating pinapangarap lamang niya

- Masaya siyang maibigay ang mga pangangailangan ng mga anak gayundin ng kanayng mga magulang

- Aminado mang nahihirapan dahil malayo siya sa mga mahal sa buhay, idinadaan na lamang niya ito sa dasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinay sa Kuwait, nakapagpundar na para sa mga anak at para na rin sa mga magulang
Jenalyn Antaran (Source: supplied)
Source: UGC

Nakakabilib ang kasipagan ng OFW na si Jenalyn Antaran dahil hindi lamang ang kanyang mga anak ang kanyang nasusuportahan, gayundin ang kanyang mga magulang.

Nalaman ng KAMI na kahit may asawa at mga anak na si Jenalyn, sinikap pa rin niyang ipagpatayo ng sariling bahay ang kanyang mga magulang.

Ito raw ang naiisip niyang paraan upang masuklian ang mga sakripisyo nito sa kanya.

Sa loob ng halos limang taon na pagiging overseas Filipino worker, marami na sa kanya mga dati lamang na pinangarap ang natupad na.

Narito ang kabuuan ng nakakinspire na kwento ni Jenalyn na kanyang ibinahagi sa KAMI:

Ako po si Jenalyn Tondo Antaran. Taga Negros po ako nakapag-asawa ng taga Aklan

Dito po ako sa Kuwait. Start po ako mag-abroad noong 2015 hanggang 2017. Kuwait rin po nakapagpundar po ako ng sariling bahay sa Aklan sa aswa at mga anak ko po.

2nd abroad Kuwait parin po 2018 hanggang 2020. Nakapagpundar ako ng mga gamit sa loob ng bahay tulad ng ref ,tv na 32-inch, divider, double deck at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

This year, nakapagpundar din ako ng sariling taniman ng tubuhan, my own na po yun.

At nagpapagawa na rin ako ng sariling bahay ng aking mga magulang at sabay na rin yung taniman ng palay ako rin po lahat gumagastos para sa mga magulang ko po na maibalik manlang ang mga sacrifices nila noon.

Kahit may sariling pamilya na ko, tumutulong parin ako sa mga magulng at kapatid ko. Katulong lang ako dito sa Kuwait. Naransan ko rin mga dragon at salbahi na mga amo pero hindi po ako nagpapatalo hanggang nakatapos ako ng kontrata.

Dati po ako ng kasambahy din as manila, factory worker at massage therapist din po ako sa Boracay.

Napag-isipan ko po mag-abroad dahil sa gusto ko tumulong sa magulang at asawa at marami din po akong pangarap sa buhay na gustong maabot.

Dati po trapal lang bubong ng bahy namin kasi manipis lng yung nipa.

Dalawa naman po ang aking mga anak, grade 8 at grade 6 na.

Dito naman sa amo ko now mabait naman sila now kasi pang 3 amo ko na ito. Naiiba lang ugali kc malapit na ko mag-finish contract.

Epekto ng pandemic mahirap din kasi nag-iisip ako sa family ko malayo ako pero latest khit dto ako, may panggastos sila.

Magandang naidulot sa pag-aabroad ko ay yung nakapundar ako ng mga bahay at lupa, naabot ko ang mga pangarap ko ksama si God always niya ko gina-guide at thankful talaga ako sa kanya.

Na realize ko na kahit mahirap ang buhay basta may pangarap ka, maaabot mo basta magsipag ka mag-tiyaga at palaging mag-pray kay God dahil walang imposible sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakainspire ang mga munting kwento ng tagumpay na ito tulad ng kay Jenalyn.

Hindi niya binitawan ang kanyang mga pangarap at ibinuhos niya ang buong determinasyon niyang makakamit niya ito para sa pamilya niyang nasa Pilipinas.

Maging ang kanyang mga magulang ay patuloy niyang nasusuportahan na kahit may sarili na siyang pamilya, nasusuklian pa rin niya ang mga naging sakripisyo ng mga ito para sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica