DOH, nagbabala sa mga nagbebenta ng diumano’y ‘recycled’ na face mask

DOH, nagbabala sa mga nagbebenta ng diumano’y ‘recycled’ na face mask

- Aminado ang Department of Health na may natanggap itong impormasyon ukol sa mga nagbebenta ng mga face mask na gamit na

- Subalit, sa ngayon ay wala pa raw kumpirmasyon ang DOH ukol sa kumakalat na scam umano na ito

- Paalala ng DOH, dapat ay itapon nang maayos ang face mask at pwede ring sirain ito bago ito itapon

- Payo rin nito, bumili lamang ng face mask sa mga medical supply stores at mga botika

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay na ng babala ang Department of Health (DOH) ukol sa mga nagbebenta umano ng mga face mask na gamit na.

Nalaman ng KAMI na ilang mga Pinoy na ang nabiktima ng modus na ito ngayong may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa.

DOH, nagbabala sa mga nagbebenta ng diumano’y ‘recycled’ na face

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng DOH na umabot na sa kanila ang balitang may mga nagbebenta umano ng recycled na face mask. Subalit, wala pa raw silang nakukuhang impormasyon ukol dito.

“We have received this kind of information yesterday and pinag-uusapan nga namin pero gusto lang namin iparating sa ating mga kababayan na simula't sapul meron po tayong guidelines na pinalabas,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Regarding the safety disposal of PPEs, including the masks, so kailangan lang po especially sa household na ilagay lang po natin sa separate na plastic bag ito pong mga masks na ito,” dagdag pa nito.

Base sa YouTube video ng ABS-CBN News, sang-ayon din naman ang DOH na dapat ay sirain muna ang face mask bago itapon upang hindi na magamit pa ng ibang tao.

Paalala naman ng DOH, dapat ay hugasan din nang mabuti ang gunting matapos gupitin ang face mask at maghugas ng kamay.

Payo naman ng DOH, dapat ay bumili ng face mask sa mga botika at medical supplies stores lamang para siguradong ligtas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, kaliwa’t kanan naman ang mga modus ng mga tao para kumita ng pera.

Kamakailan nga ay nagbabala ang isang netizen na may mga junkshop daw na bumibili ng mga face mask na gamit na upang ibenta ulit ito sa iba.

Samantala, may nauso ring modus sa pagbebenta ng face shield online. Nagbabala rin ang awtoridad sa kumakalat na scam na ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel