Tricycle driver na naaktuhang nanakit ng PWD, napikon daw sa biro

Tricycle driver na naaktuhang nanakit ng PWD, napikon daw sa biro

- Hindi raw nagustuhan ng tricycle driver na si Julius De Leon ang biro ng PWD na si Jun Agustin

- Kung kaya naman dahil dito ay nauwi sila sa mainit na pagtatalo at nasaktan ni De Leon ang PWD

- Wala raw silang alitan dalawa at siya pa nga raw ang naghahatid at sumusundo rito sa pamamalimos nito

- Nagkaharap na ang mga ito sa barangay ngunit desidido si Agustin na magsampa ng kaso laban sa tricycle driver

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumepensa ang tricycle driver na nag-viral matapos maaktuhang nananakit at naninigaw ng isang PWD.

Kinilala ito na si Julius De Leon na inaming nakainom nang mga panahong iyon.

Tricycle driver na naaktuhang nanakit ng PWD, napikon daw sa biro

Photo from Facebook
Source: Facebook

Ayon sa report ng 24 Oras ng GMA News, hindi raw kasi nagustuhan ni De Leon ang mga biro ng PWD na si Jun Agustin.

Bukod dito ay napikon na rin daw ito sa mga biro ng mga kasamahan na may relasyon sila ni Agustin.

Pero wala raw silang alitan nito at sinabing siya pa raw ang naghahatid at sumusundo rito sa pamamalimos nito.

Batay naman sa panayam kay Agustin, hindi raw nito inakala na mapipikon ito sa kanyang biro gayong ito at mga kasamahan nito ang naunang nagbiro sa kanya.

Napag-alaman naman ng KAMI na nagkaharap na ang dalawa sa barangay at nakapag-usap pero desidido si Agustin na magsampa ng kaso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Una nang lumapit si Agustin sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang ginawa sa kanya ni De Leon.

Dito, sinabi nitong sinakal pa umano siya ng inirereklamong lalaki bukod sa pananampal sa kanya na nakita sa viral video.

Sa naturang video rin, maririnig pa ang pagbabanta ni De Leon sa PWD.

Talagang maraming netizens ang binatikos ang ginawa ng lalaki sa isang may kapansanan kaya mabilis na kumalat ang video.

Matapos naman nito, nakatanggap ng tulong mula sa Cauayan LGU si Agustin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos mag-viral ng video ng pananakit ni De Leon sa PWD ay agad na humingi ng tulong si Agustin kay Raffy Tulfo.

Agad naman itong inaksyunan ni idol Raffy at pinakinggan ang bawat panig.

Hinikayat naman ng PWD Affairs Office ang mga PWD na agad mag-report kapag nakaranas ng diskriminasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel