Arnold Clavio, namigay ng tulong sa kabila ng isyu kay Sarah Balabagan

Arnold Clavio, namigay ng tulong sa kabila ng isyu kay Sarah Balabagan

- Sa kabila ng kinakaharap na isyu ay patuloy pa rin ang buhay para sa Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio

- Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Clavio ang ginawang pagtulong ng kanyang foundation sa ilang pamilya sa Caloocan kamakailan lang

- Matatandaang noong nakaraang linggo lang nang sumambulat sa bansa ang pag-amin ni Sarah Balabagan na mayroon silang anak ni Clavio

- Hanggang sa kasalukuyan naman ay nananatiling tahimik ang broadcaster tungkol sa kontrobersiyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng mainit na isyung kinakaharap ng Kapuso journalist at host na si Arnold Clavio, patuloy pa rin ang buhay para rito.

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Clavio ang ginawang pagtulong ng kanyang foundation na 'Igan ng Pilipinas Foundation Inc.' sa ilang pamilya sa Caloocan sa pamamagitan ng Instagram.

Arnold Clavio, namigay ng tulong sa kabila ng isyu kay Sarah Balabagan

Photo from Arnold Clavio Instagram
Source: Instagram

Sa nasabing post, nagbahagi rin ng Bible verse ang batikang mamamahayag.

"O God, grant that whatever good things I have, I may share generously with those who have not, and whatever good things I do not have, I may request humbly from those who do.” –St. Thomas Aquinas
"Today, Igan Foundation supported the #ProjectMALAYA2020 outreach program of NSTP-EF of De La Salle University of Manila. 25 families of Kababayan Samahan ng Bagong Barrio Caloocan City affected by pandemic covid-19 benefited from it.
"Thank you to NSTP-EF for letting us part of your activity and to all of our sponsor. God bless us all!"

Matatandaang noong nakaraang linggo lang nang sumambulat sa bansa ang pag-amin ni Sarah Balabagan na mayroon silang anak ni Clavio.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isang eksklusibong panayam ni Ben Tulfo, itinanggi ng kontrobersyal na dating OFW na may kinalaman sa politika ang kanyang pag-amin matapos ang dalawang dekada.

Nais lamang daw niyang protektahan ang mga anak matapos muling mausisa tungkol sa tunay na ama ng kanyang panganay na anak.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay nananatiling tahimik ang broadcaster tungkol sa kontrobersiyang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging mainit na isyu sa bansa ang pag-amin ni Sarah Balabagan sa isang Facebook Live tungkol sa naging relasyon nito at pagkakaroon ng anak kay Arnold Clavio.

Dahil dito, nag-trending ang batikang broadcaster at host sa social media.

Hindi naman naiwasan ni Pastor Apollo Quiboloy na buweltahan si Clavio matapos daw siyang gawing katatawanan nito noon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel