Vhong Navarro, ipinasilip ang kanyang "sosyaling" walk-in closet

Vhong Navarro, ipinasilip ang kanyang "sosyaling" walk-in closet

- Ibinahagi ni Vhong Navarro ang isang virtual tour sa kanyang walk-in close sa kanyang YouTube account

- Kabilang sa kanyang ipinakitang koleksiyon ay ang kanyang mga sapatos na talaga naman nakakalula sa dami

- Ibinahagi niya rin ang ilan sa kanyang pinakapaboritong mga sapatos na nakaayos din ayon sa uri at brand

- Kabilang sa kanyang koleksiyon na pinakita ay ang kanyang mga bearbrick na minsan nang na feature sa Rated K

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinasilip ni Vhong Navarro ang kanyang shoe collection sa kanyang sosyaling walk-in closet sa kanyang pinakabagong YouTube video.

Marami ang namangha dito dahil bukod sa mamahalin ang mga sapatos niya, sobrang dami pa nito.

Sa katunayan, hindi ito nagkasya sa unang palapag kaya mayroon pa ding mga sapatos sa ikalawang palapag ng kanyang walk-in closet.

Vhong Navarro, ipinasilip ang kanyang "sosyaling" walk-in closet

Vhong Navarro (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Bago pa makapanhik, ipinakita din ni Vhong ang mga sapatos niyang iba na nakalagay sa mga compartment sa baitang ng hagdan.

Ibinahagi ng TV host ang ilan sa mga paborito niyang sapatos. Makikita din na nasa kanyang walk-in closet ang kanyang mga damit.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa kanya, ang pagpili niya ng damit na susuotin ay depende sa kanyang mood.

Naroon ang sikat niyang koleksiyon ng bearbrick na minsan nang na feature sa Rated K. Nakalagay pa sa huling bahagi ng kanyang YouTube video na may karugtong pa ito.

Samantala, hindi mapigilan ng mga netizens na mamangha sa kanyang koleksiyon:

Nakakanganga lang ako the whole time. grabe mga collections! parang pinasama sama lahat ng shoe store sa iisang bahay . More pa tay Vhong! kakaaliw mga jokes hehe ang cute cute mo! nakakabitin anubayan. Can't wait sa part 2!
Puro ako "HALA" habang nanunuod, Kuys Vhong!! Grabe naman po ang 2-storey collection ng shoes! Pwede na pong magtayo ng department store!!
Grabeeeee! mas malaki pa sa walk-in closet ni heart hahaha ganda nung sa shoes lakas maka shoe store ng peg

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Kamakailan, naging usap-usapan ang reaksiyon ng TV host sa "Eat Bulaga" kaugnay sa mga pagbabago sa nasabing noontime show sa gitna ng pandemya.

Kagaya ng karamihan sa mga artista, hindi din nakaligtaan ni Vhong at asawa nitong si Tanya na tumulong sa mga frontliners.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel