Andrea Brillantes, ibinahagi sa mga netizens ang kanyang ipinapatayong bahay

Andrea Brillantes, ibinahagi sa mga netizens ang kanyang ipinapatayong bahay

- Ibinahagi ni Andrea Brillantes ang ilang litrato na kuha sa kanyang pinapagawang bahay

- Sa kanyang murang edad ay nakapagpundar siya ng sariling bahay nila ng kanyang pamilya

- Matatandaang ibinunyag niya na taliwas sa paniniwala ng marami na laking mayaman siya, lumaki daw siya sa squatter's area

- Isa umano sa kanyang pangarap ay ang mabigyan ng sariling bahay ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa Kapamilya teen star na si Andrea Brillantes. Sa mura nitong edad ay nakapagpagawa na siya ng bahay para sa kanyang pamilya.

Matatandaang nauna nang inamin ni Andrea na hindi siya bumibili ng mga mamahaling gamit kagaya ng designer bags dahil inuuna muna niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

“Sa squatters po. Simple lang po talaga. Magulo. Nakikitira lang kami sa grandparents ko,” ani Andrea sa isang panayam ng Rated K.

“Gusto kong malagay yung family ko sa subdivision. May hagdan, may aircon and gusto ko kasi magkakasama na kami,” paglalahad ng aktres.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Andrea ang ilang litrato na kuha sa kanyang pinapagawang bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na Kadenang Ginto.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Dahil sa kanyang ginampanang papel sa nasabing palabas, hindi maiwasang kainisan siya ng ilang mga manonood. Gayunpaman, natuto siyang umiwas na lamang sa mga negatibong mga komento na maaring makapagpapasama ng kanyang loob.

Naging daang ang Kadenang Ginto upang dumating pa ang maraming biyaya sa kanya. Aminado siyang kinabahan siya at natuwa sa maraming biyayang kanyang natanggap.

Marami din ang natuwa sa kanya matapos mag viral ang video niya na walang sapatos habang tumatakbo sa kalsada.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel