Ilang palaboy na senior na kinupkop ng isang guro, nangangailangan ng tulong

Ilang palaboy na senior na kinupkop ng isang guro, nangangailangan ng tulong

- Kinupkop ng isang college instructor ang ilang senior citizen na naglalaboy na lamang

- Inilagak niya ito sa isang tahanan upang masiguro na nasa maayos itong kalagayan

- Siya na rin ang sumusuporta sa mga pangangailangan ng mga ito subalit naging mas mahirap para sa kanya lalo na ngayong pandemya

- Maging siya ay apektado rin ng dagok ng krisis ngunit hindi niya pinabayaan ang mga matatanda

- Aminado nga lang siya na kailangan niya ng tulong dahil isa siya sa mga nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang palaboy na senior na kinupkop ng isang guro, nangangailangan ng tulong

Senior citizen (Photo from Pikrepo)
Source: UGC

Ipinagkalooban ng mabuting puso ang dating college instructor na si Reynald Soriano.

Nalaman ng KAMI na kinukupkop ni Reynald ang mga naglalaboy na lamang na senior citizens dahil sa inabandona na ito ng kani-kanilang mga pamilya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kumuha pa si Reynald ng munting bahay na matutuluyan ng nasa siyam na mga lolo at lola na kanyang tinutulungan.

Siya ang sumusuporta sa mga pang-araw araw nitong mga pangangailangan at makikita namang malilinis ang hitsura ng mga matatanda.

Lector at commentator sa simbahan si Reynald na ang motibo sa pagtulong sa mga matatanda ay upang mabigyan ito ng dignidad bago manlang sila sumakabilang buhay.

Subalit dahil sa dagok ng pandemya, isa si Reynald sa mga nawalan ng hanapbuhay.

Gayunpaman, hindi pa rin niya pinabayaan ang mga kinupkop niyang mga lolo at lola at patuloy pa rin ang suporta niya sa mga ito.

Subalit aminado si Reynald na hirap siya sa ngayon dahil sa sitwasyon at ang isa pa sa mga inaalagaan ay naisugod sa ospital dahil sa pulmonya.

"Kapag nag-give-up ako sa kanya, wala na, wala nang mag-aalga sa kanya, I am doing this kasi gusto king ma-preserve yung dignidad ng isang tao kahit bago manlang sila mamatay o mamaalam sa mundo mabigyan manlang sila ng disenteng tahanan, malinis na tubig, masustansiyang pagkain and hanggang sa mailibing sila, mabigyan sila ng disenteng burol at libing," pahayag ni Reynald.

Dahil dito, lakas loob si Reynald na kumakatok sa puso ng mga taong nais na magpaabot ng tulong sa mga senior citizen na kanyang kinakalinga.

Narito ang kabuuan ng video mula sa TV Patrol:

Ngayong panahon ng pandemya, marami sa ating mga kababayang mga senior citizen na hirap sa buhay ang mas lalong nakararanas ng dagok ng krisis ng COVID-19.

Ang ilan, masuwerteng natutulungan ng mga taong may mabubuting kalooban tulad ni Reynald at sinigurong may nakakain ang mga matatandang nararapat lamang na nagpapahinga na lamang at hindi na naghahanapbuhay pa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel